^

PSN Opinyon

Tungkuling ministeryal

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
TUMAKBO si Perla bilang mayor noong halalan ng 1995. Pagkatapos ang halalan, naghain si Perla sa Commission on Elections (Comelec) ng petisyon upang isuspinde ang pagbilang ng election returns ng kanyang kalaban na si Abundio dahil sa ilang iregularidad tulad ng: (1) laganap na palitan ng pekeng balota sa mga ballot boxes; (2) hindi pagkilala, maling pagbasa at hindi pagbasa ng balotang nakapangalan kay Perla; (3) dagdag na bilang ng boto pabor kay Abundio; (4) maling pagkuwenta ng mga boto; at (5) talamak na anomalya sa kabuuan ng halalan.

Sa araw ding ‘yun ay idineklarang panalong mayor si Abundio. Ilang beses sinubukan ni Perla na makpawalang-bisa ang proklamasyon ni Abundio subalit ang lahat na ito ay itinanggi ng Comelec dahil ang kanyang mga dahilan ay tumutukoy sa isang election protest at hindi pre-proclamation controversy. Kaya, naghain si Perla ng isang election protest at iginiit ang mga naunang dahilan para masuspinde ang proklamasyon ni Abundio. Hiniling ni Perla na buksan muli ang 64 ballot boxes at muli itong bilangin. Samantala, naghain si Abundio ng ilang mosyon para madismis ang petisyon ni Perla. Gayunpaman, pinaboran ng korte si Perla. o

Kinuwestyon ni Abundio ang kautusang ito at iginiit na umabuso ang korte sa kapangyarihan at diskresyon nito na muling buksan ang ballot boxes at bilangin ang mga balota nang hindi inaatasan si Perla na patulnayan nito ang mga alegasyong binanggit sa inihaing protesta. Tama ba si Abundio?

MALI.
Naaayon sa batas (Section 255, Omnibus Election Code) ang naging kautusan ng korte. Hindi na kinakailangan pang humingi ang korte ng karagdagang patunay sa mga alegasyong nakasaad sa protesta dahil ang pinakasimple, pinakamabilis at pinakamabisang paraan upang matiyak ang katotohanan o kamalian ng "mga ito ay walang iba kundi ang muling pagbukas ng ballot boxes at pagbilang ng mga balota nito. Kung kakailanganin pa ang ibang ebidensya ng anomalya bago buksan ang balota, magbibigay lamang ito ng oportunidad kay Abundio na iantala nito ang pagdinig ng kanyang kaso dahil kailangan pang suriin si Perla at isumite ang mga ebidensya nito. Kaya, kung nabanggit bilang alegasyon sa protesta ni Perla ang masusing pagsiyasat at pagbilang sa mga kaduda-dudang balota, tiyak na dapat isagawa o tungkuling ministeryal, at hindi diskresyon, ng korte ang muling pagbubukas ng ballot boxes at pagbilang sa mga balota.

(Manahan vs. Berenardo, G.R. 125752, DeQcember 22, 1997).

ABUNDIO

BALOTA

BERENARDO

COMELEC

KAYA

OMNIBUS ELECTION CODE

PERLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with