^

PSN Opinyon

Bakit tahimik si John O sa kaso ng anak?

- Al G. Pedroche -
NASAAN na si John Gregory Osmeña, a.k.a. John-john na anak ni dating Senador John Osmeña? Sapul nang idawit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagpapasok umano ng shabu sa Pinas mula Tsina, naglahong parang bula. Aba, dapat ilabas at papanagutin sa batas ni senatorial candidate John Osmeña ang kanyang anak.

Ang batang Osmeña na dating Cebu vice governor, ay inireport na nangibang-bansa matapos pumutok ang pangalan niya bilang umano’y local contact ng isang malaking drug syndicate sa China. Batik ito sa kandidatura ni Mr. John O. kaya ora mismo’y dapat siyang magsalita imbes na mag-pretend that the problem doesnít exist. Si John-john ang pinakaprominente sa sampung kinasuhan ng PDEA sa Department of Justice kaugnay ng malaking shipment ng shabu sa Pilipinas na nagkakahalaga ng P3.6 bilyon noong 2004.

Kasama niya sa kaso ang kanyang kaibigan na si Dirk dí Hultz at tatlong dating miyembro ng kanyang staff sa vice governor’s office, na sina Joebert Cuesta, Rorela Villegas at Maria Rowena Roldan.

Naniniwala ako na bilang ama ng akusado at dating senador na ngayon ay nagnanais makabalik sa Senado, tungkulin ni John Osmeña na palabasin ang kanyang anak para harapin nito ang kaso. Makasisira kasi sa pinamamarali niyang ‘‘tatak Osmeña’’ ang pananahimik niya sa usapin. Otherwise, wala siyang mukhang ihaharap sa mga Pilipino na ang boto’y kanyang nililigawan. Ang isa kasing nagnanais gumawa ng batas ay dapat walang bahid ng anumang batik ang pagkatao. Hindi man siya ang akusado, siguradong pangit ang dating niya sa mga botante kung makikita siya ng mga ito bilang coddler ng isang kinasuhan ng massive drug pushing. Si ex-Sen. Osmeña ay napaka-vocal sa napakaraming isyu ngunit kapansin-pansin ang kanyang pananahimik sa kaso ng kanyang anak.

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JOEBERT CUESTA

JOHN

JOHN GREGORY OSME

JOHN OSME

OSME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with