^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Kung may kaso hindi dapat pinatatakbo

-
SA MGA mananalong mambabatas sa darating na May 14, 2007 elections, isa sa mga gawin ninyong batas ay ang pagbabawal sa mga may kaso na makatakbo sa election. Hindi dapat makatakbo ang mga kinakaharap na kaso. Unang dahilan kung bakit hindi dapat makatakbo ang mga may kaso: Paano niya mapaglilingkuran ang kanyang mga constituents (sakaling siya manalo) gayong nasa loob siya ng kulungan. Paano niya maririnig ang boses ng kanyang mga nasasakupan gayong nasa kabila siya ng rehas? Marami pang paano at mga tanong ang lulutang sa pagtakbo ng kandidatong may kinakaharap na mga kaso. Kaya nga dapat magkaroon na ng batas na nagbabawal sa pagtakbo ng may kasong kandidato.

Isa sa mga halimbawa ay si dating ARMM governor at MNLF chairman Nur Misuari. Nag-file na ng candidacy si Misuari noong Martes para tumakbong governor ng Sulu. Tatakbo siya sa ilalim ng KAMPI na partido ni President Arroyo.

Si Misuari ay kasalukuyang naka-house arrest dahil sa kasong rebellion na kinakaharap niya. Pinagbigyan ng korte ang kanyang request na makatakbo bilang governor. Ayon sa korte hindi pa naman daw convicted si Misuari kaya maaari siyang mag-file ng kandidatura.

Nakatatawa ang takbo ng pulitika sa bansang ito. Kahit sino ay maaaring makatakbo sa election. Kahit na nga may kaso na katulad ni Misuari. Paano kung sa kasagsagan ng election ay biglang mahatulan si Misuari e di biglang nawala rin ang karapatan niyang tumakbo dahil convicted na siya. Nakatatawa talaga ang sistema sa bansang ito. Makabubuting ang problemang ito ang pagsika- pang lutasin ng mga mananalong mambabatas sa nalalapit na election. Huwag hayaang makatakbo ang mga may nakabinbing kaso. Kailangang malinis sila at walang bahid ang pangalan bago makatakbo sa election. Paano pagtitiwalaan ang mga may kaso? Paano sila magiging halimbawa ng mamamayan kung may nakabuntot sa kanilang mga kasong patung-patong.

Hindi lamang si Misuari ang gustong kumandidato kahit may kaso. Hindi ba’t pati si dating congressman Romeo Jalosjos ay gustong tumakbo bilang partylist representative habang nasa kulungan.

Ano sila sinusuwerte?

KAHIT

KASO

MAKATAKBO

MISUARI

NAKATATAWA

NUR MISUARI

PAANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with