^

PSN Opinyon

‘Nasaan na ang mga environmentalist?’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
MARIING TINUTUTULAN ng mga homeowners ng Wack Wack Subdivision sa Mandaluyong City ang mga opisyal ng kanilang asosasyon dahil sa pagputol ng mga puno sa high class na subdivision. Ang masama pa rito, hindi man lang nila kinonsulta sa ilang residente ang pagputol sa mga puno sa sidewalks na sinasabi nilang pagagandahin lamang nila ang buong kapaligiran.

Nagagalit ang mga residente sa pansamantalang pagharang sa nakakahiyang sistema ng kanilang asosasyon. Subalit ang lider ng planong pagpapaganda ng subdivision, si Medina Carreon, ang association manager at Flor de Liz Yap, presidente naman, ay may balitang hinaharass ng mga ito ang Mandaluyong City Government upang magkaroon sila ng permiso sa pagputol sa nasabing mga puno.

Wala namang nakikitang dahilan ang mga residente ng Wack Wack Subdivision sa nais nilang pagputol ng mga puno para sa pagpapaganda ng kapaligiran. Marami sa mga nasabing puno ay halos sa 50 taon na nakatayo ang mga ito, sa katunayan nito naalala pa ng mga homeowners na sila pa ang nagtanim ng mga puno dito kung saan malapit lamang sa kanilang mga bahay. At dahil dito walang dahilan para ito ay ipaputol nila.

Ang nais nilang pagputol ay kabaligtaran naman sa ginagawang pagtatanim ng mga puno sa ilang lugar sa Metro Manila. Maging sa mga distrito ng Makati ay ipinagmamalaki ang mga puno sa gitna ng isang island at sa mga sidewalks nito.

Maaaring malaki ang pondo ng asosasyon kaya naman kailangan nilang hanapan ng paraan ang paggastos sa pondong ito kahit na hindi naman dapat. Tulad na lamang ng sinasabi nilang pagpapa ganda ng subdivision kahit na ito ay maaya at maayos naman sa paningin ng marami. Kung wala silang puso na ibahagi na lang ang sobrang pondo sa mga taong kapus-palad, dapat lang siguro na hanapan na lang nila na mas makabuluhan ang paggamit dito.

Sa mga developed countries, ini-encourage nila ang mga tao na maging aware sa pagsagip sa mga puno para sa mas maayos at magandang kapaligiran. Alam nila na malaki ang magiging epekto ang pagpuputol ng mga puno at ang nais nila ay iwasan ang magi ging epekto nito. Ang pagsagip sa mga puno at magtanim ng panibago ay ang dapat na gawin para sa ating maayos na kapaligiran.

Sa Wack Wack Village, mga sinaunang pag-iisip ang namamayagpag, terible para sa mga opisyales ng asosasyon. Ang inaasahan dito ay ang mga mayayamang residente at may mga pinag-aralan pa subalit hindi, hindi ang kaso ng Wack Wack Residents’ Association Officers.

Napakahirap ang magtanim ng mga puno, ang pangangalaga at pagdidilig dito dahil taon ang bibilangin bago ito maging ganap na isang puno. Naalala ko ang isang tula na ginawa ni Joyce Kilmer about trees, kung nabubuhay pa ang manunulang ito sigurado akong siya ang mangunguna sa pakikibaka sa paghinto ng pagputol sa Wack Wack Subdivision.

Para sa ikalawang bahagi ng aking column ay ang kasong inilapit sa aking tanggapan ni Celia Lumabas ng Malabon City nais kong magbigay ng update dito.

Bago maganap ang krimen, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang isa sa tatlong mga suspek, si Junel Francisco alyas Onie at ang biktima dahil madalas na takbuhan ng asawa ng suspek ang mag-asawang April at Venus. Inakala nitong si Onie na sinusulsulan ni Venus ang asawa nito para tuluyang hiwalayan siya. Dahil din dito, nabanggit ni Heidi kay Venus na nagbanta si Onie na sa oras na naghiwalay silang mag-asawa ay papatayin nito si April. Magmula noon ay hindi na kinausap ni Onie ang biktima.

Ika-21 ng Setyembre 2006 ng gabi sa Narra St., Santolan, Malabon City nagpunta si Emil sa bahay nina April. Sandaling nag-usap ang dalawa at pagkatapos ay umalis na raw itong si Emil. Matapos ang pag-uusap inutusan naman ni Analyn Arabit, kapatid ni Venus, ang isa pa nilang kapatid si, Joy na i-lock na ang pintuan ng gate.

Bandang alas-12 ng madaling araw, ika-22 ng Setyembre habang nagkukuwentuhan sina April, Analyn at Joy ay may kumatok na naman sa pintuan nila. Bumalik si Emil pero ang bumulaga sa biktima ay ang suspek na si Onie.

Hindi na nagawang lumaban pa ng biktima dahil sa ginawang pag-ipit ng suspek sa pintuan at walang awang pinagsasaksak ang biktima. Kasama ni Junell sina Ericson "Biboy" Yago na armado pa raw ng sumpak at si Roden Cruz.

Nagsampa ng kasong Murder ang pamilya ng biktima laban sa mga suspek. Inilapit sa amin ito ni Celia upang maging mabilis ang imbestigasyon sa piskalya. Hindi naman nagtagal ang kaso sa Prosecutor’s Office ng Malabon ay lumabas naman ang resolution at pumabor naman ito sa pamilya ng biktima.

Labis namang nasiyahan si Celia na hindi pa nagtatagal sa kanila ang inisyung warrant of arrest laban sa mga suspek ay nadakip ang isa sa tatlong mga suspek, si Biboy ng mga pulis sa Caloocan City noong ika-19 ng Enero 2007. Hangad niyang ang dalawa pang suspeks ay mahuli na rin ito at pagbayaran ng mga ito ang ginawa nilang krimen.

Para sa anumang impormasyon na makapagbibigay-alam sa kinaroroonan sa suspeks na ito maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

E-mail address: [email protected]

NAMAN

PUNO

WACK

WACK WACK SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with