^

PSN Opinyon

Droga, anay ng lipunan

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAKIKIRAMAY ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagkamatay ng ermat ni Ellen Lising, owner ng Ellen’s skin care and permanent cosmetics, aesthetic center and surgical center at whitening center.

Nakaburol si Pacencia David Lising, 79, sa 26 Santiago St., Concepcion, Tarlac. Sa Huwebes ang libing.

Ang isyu, hindi biro ang sinabi ng PDEA na laganap ang operasyon ng illegal drugs sa Chinatown, nakakanginig ng buto ito.

Inaamoy ng PDEA ang operasyon ng sindikato ng droga sa Chinatown kaya busy sila todits.

Kaya pala ang daming undercover ang nakikita ng mga kuwago ng ORA MISMO, na pagala-gala sa Chinatown.

Akala ko tuloy, kasama sila sa kotong dyan sa mga bookies at prostitution dens na naglipana sa nasabing lugar.

Sa lalong madaling panahon sasabog ang Chinatown dahil makakalawit ng PDEA ang mga sindikato ng droga todits siyempre with matching foolish cops na nakapatong.

Matindi sa operation si PDEA bossing Diony Santiago kung titingnan ang bida ay mukhang pakaang-kaang pero hanep ito pagdating sa ala-James Bond na operation.

Sabi nga, kahit sino ang masagasaan !

Sandamukal ang nakikinabang sa operasyon ng illegal drugs kahit mga taong gobyerno ay nabibili nila dahil sa laki ng ganansiyang nakukuha ng mga kamote todits.

"Mahuli kaya ng PDEA ang mga kamote sa Chinatown?" anang kuwagong urot.

"Tiyak si Santiago ang main operator kaya sungkit lahat sila kapag nagkataon," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kailan kaya sila makukulong?"

"’Yan kamote ang abangan natin !"

DIONY SANTIAGO

ELLEN LISING

JAMES BOND

PACENCIA DAVID LISING

SA HUWEBES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with