^

PSN Opinyon

Comelec sanay sa kapabayaan

SAPOL - Jarius Bondoc -
E ANO kung ang pagtupok sa Comelec building ay dahil sa kadalasang sanhi, na pahiwatig ni chairman Ben Abalos sa pagsinghal sa anggulong sabotahe? E ano kung may nakaiwan lang ng nakasinding sigarilyo o electric fan, o may nag-plug ng sobrang coffee maker sa octopus connection ng manipis na alambre? Ibig sabihin ba nu’n ay matatahimik na tayo dahil magiging matiwasay ang halalan sa Mayo?

Hindi. Kung nagkasunog dahil sa kapabayaan, sa Fire Prevention Month ng Marso pa man din, lalo dapat tayo mangamba. Madali matunton at agapan ang isang malaking pakana ng sabotahe kaysa milyong kalat-kalat na kapalpakang bunsod ng masamang ehemplo ng pamunuan.

Malinaw na nagpabaya ang Comelec officials. Kinondena na ang gusali dahil peligroso noon pang 2004. Pero hindi nila ito nilisan o inayos. Patuloy silang nagsilid ng kahon-kahon dokumentong madaling magliyab. Mas malala, ginawa pang tulugan na may kitchen ang second floor, at imbakan ang sulok sa ground floor ng diesel para sa generators.

Matingkad na ehemplo na naman ito ng ugaling "puwede na ‘yan." Wala itong pinagkaiba sa pabayang asal ng marami: Halimbawa, pagsabit sa jeepney sa kabila ng Seat Belt Act, pagsisiga sa bakanteng lote sa kabila ng Clean Air Act, o kawalan ng pinturadong traffic lanes ng national roads sa kabila ng nagmahal na road user’s tax. Ang Comelec officials winalang-bahala na nga nang tatlong taon ang pag-condemn sa building, tapos pinalala pa ang peligro sa pamamagitan ng fire hazards sa isang gusaling kahoy. At ngayon gusto pang palabasin na bale-wala ang pagkatupok sa headquarters dahil mga lumang dokumento lang ang nandoon.

Kung napaka-basic na headquarters security ay binale-wala nila, ano pa kaya ang patong-patong na gusot sa 315,000 polling precincts? Asahang mawa- wala na naman ang mga pangalan sa presinto, kakapusin ang balota at ibang election paraphernalia, magba-blackout ng kuryente, mananakaw ang boxes, hahaba ang canvassing, magkakadayaan, magkakagulo.

ANG COMELEC

ASAHANG

BEN ABALOS

CLEAN AIR ACT

COMELEC

FIRE PREVENTION MONTH

SEAT BELT ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with