^

PSN Opinyon

Gen. Oscar Calderon, please read!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SI Manuel Tamayo Abelardo, isang contractor, ang sinasabing gumagasgas at gumagamit sa name ni PNP bossing Oscar Calderon para maka-gets ng proyekto sa Republic of the Philippines.

Taga-Luyos, San Antonio, Nueva Ecija si Abelardo at nakatira sa 148 A. Chioco Street, BF Homes, Parañaque City at 19952 Chestnut Street, Executive Heights Village, Parañaque City.

Sinabi ng asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Manuel ay dating co-owner ng A.C. Builders, Inc., isang construction firm na ni-revoke ng Security and Exchange Commission ang license dahil dehins nagsumite ng financial statement at iba pang reports na kailangan ng nasabing tanggapan.

Sinasabing ginamit ni Abelardo ang pangalan ni Gen. Oscar Calderon, na kamag-anak daw ng kanyang girlfriend na si Lilian.

Nakakuha nang malaking pagkakakitaan si Abelardo ng maka-gets siya ng multi-million contract sa Philippine Tourism Authority kasi nakorner niya ang proyekto sa pagpapagawa ng Cavite Historical Museum sa loob ng Camp Pantaleon Garcia sa Imus, Cavite.

Labindalawang trabahador ang halinhinang nagtatrabaho upang matapos kaagad ang project.

Naku ha!

Ang girlfriend niyang si Lilian ang naging tulay upang maiaward kay Abelardo ang project kahit alaws ng legal personality ang company at hindi kasama sa listahan ng Philippine Contractor Accreditation Board ang kanilang office.

Ayon sa aking asset, marami ng government pro jects ang pinasok ni Abelardo at ng kanyang girlfriend na si Lilian.

Sa tuwing siya ay may business dealings, parati niyang ginagamit ang pangalan ni Gen. Calderon. Malakas daw siya sa bossing ng PNP, kaya parati niyang nakokorner ang mga ito.

Ngayon may proyek-tong inaasinta si Abelar- do sa Puerto Princesa, Palawan. Ang contact person naman niya ay isang nagngangalang Agnes.

Si Gen. Calderon na naman ang isinangkalan ni Abelardo upang mapasakamay ang project.

Dapat malaman ni Mayor Edward Hagedorn at Gen. Calderon ang mo- dus operandi ni Abelardo upang matigil na ang kanyang panloloko.

Dapat din na malaman ng publiko na walang legal personality si Abelardo upang pumasok sa anumang uri ng proyekto, whether it is a government project or private.

Cancelled na ang regis tration ng A.C. Builders puwera na lang kung may iba siyang ginagamit na company pero ang una niyang kampanya este mali kompanya pala ay wala nang karapatan at kakayahang makipag-transact ng business kahit kanino.

"Ano ba ito General Calderon, Sir, ang bagsik pala ng pangalan mo kapag ginamit sa pagkuha ng mga project sa gobyerno?" sabi ng kuwagong kontratistang hilaw.

"Alam mo kaya ito General Calderon, Sir?" tanong ng kuwagong Ko-tong cop.

"Para jueteng din pala ang operasyon nagagamit ang pangalan ni Sir sa pagkuha ng mga intelihensiya?" sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kamote, abangan mo ang tunay na pagkatao ni Abelardo dahil ikukuwento ng Chief Kuwago."

ABELARDO

CALDERON

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE HISTORICAL MUSEUM

CHESTNUT STREET

CHIEF KUWAGO

GENERAL CALDERON

LILIAN

OSCAR CALDERON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with