^

PSN Opinyon

Suwerte ng mga taga-Ligao kay Rene Quiapon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
KUNG anu-anong grupo na ang lumantad para suportahan ang kandidatura ni Rene Quiapon bilang mayor ng Ligao City sa Albay. At kahit saan man mapadako itong si Rene Quiapon sa ngayon, maging sa mga palengke man o sa mga kanto, dinudumog siya ng mga tao, lalo na ’yaong mahihirap. Ano’ng panalo ng sikat na artista sa manok natin?

’Yan mga suki ay kahit hindi pa nag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Rene Quiapon. Kung sabagay, sa Marso 29 pa ang deadline sa filing ng COC. Sino naman kasi ang hindi mahihikayat na suportahan itong si Rene Quiapon eh siya lang ang kandidato sa Ligao City na may isinusulong na plataporma o direction na tatahakin niya kapag naluklok na siya sa puwesto?

Ang iba kasing kandidato diyan, mahilig lang mangako pero palaging napapako. ’Ika nga, kapag nanalo na sila, nakakalimutan nila ang ipinangako nilang serbisyo publiko nga. Wala nang panahon ang karamihan sa mga pulitiko natin sa mga constituents nila kapag nanalo na. He-he-he!

Panay laway lang ang ibinubuga ng mga pulitiko natin, di ba Ligao Mayor Linda Gonzales, Ma’m? Kaya’t sa kanyang flyers, hinihikayat ni Rene Quiapon ang lahat ng grupo sa Ligao na samahan siya sa "historic opportunity of genuinely and wholeheartedly serving the city." Gusto kasi ni Quiapon na gumanap ng key role ang sosyedad tungo sa adhikain niyang "Rural Growth is our Quest" o RGQ na siyang inisyal niya. Ang five-point program of government ni Rene Quiapon ay ang mga sumusunod: Implement principle of democratic governance; implement locally driven economic development program. implement needed program for land reform and agri-aqua cum tourism development; implement rational and relevant infrastructure programs, and prioritize programs for social concerns.

Siyempre, kasama sa naturang prorama ang pag-modernize ng Maharlika Stretch na sakop ng siyudad bilang growth passage sa Legazpi-Ligao-Iriga- Naga Growth Corridor. Mapapagaan na ang pagbibiyahe sa Ligao, di ba mga suki? He-he-he!

Mukhang tuluy-tuloy na ang pag-unlad ng Ligao kapag naging mayor na ng siyudad si Rene Quiapon, ano mga suki? Kaya sa mga Ligawenos, kay Rene Quiapon na kayo! Ilampaso ang mga pulitikong panay laway lang ang nahihita n’yo!

Natutuwa itong si Rene Quiapon sa sobrang dami ng grupong gustong tumulong tungo sa ikauunlad ng bayang sinilangan niya. Siyempre, hindi muna natin babanggitin ang mga grupo sa pangambang magapang pa sila ng kalaban niya. Gets mo Mayor Gonzales, Ma’m?

Kung sabagay, nagtanung-tanong na tayo rito tungkol kay Rene Quiapon sa mga kasamahan niyang pulis noon at mataas ang pagkakilala sa kanya. Ayon sa mga kausap ko sa Camp Crame, hindi palabiro itong si Rene Quiapon. Kapag may kaso itong hahawakan, aba lulutasin niya ito kahit sino pa ang involve. Sa mahigit 30-anyos na panunungkulan niya sa PNP, maraming opisyal ang gustong kunin ang serbisyo ni Rene Quiapon. At sa ngayon, gusto ni Rene Quiapon na ang mg‑a kababayan naman niya ang kanyang serbisyuhan at gagawing amo. Kaya’t buwenas talaga ang mga Ligawenos dahil naisipan ni Rene Quiapon na sundan ang yapak ng lolo niyang si Jose Quiapon Sr., ang pinakamagaling sa mga dumaang mayor ng Ligao. Abangan!

KAYA

LIGAO

LIGAO CITY

QUIAPON

RENE

RENE QUIAPON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with