^

PSN Opinyon

Tubig sa BF Homes, idinulog kay GMA

SAPOL - Jarius Bondoc -
DESPERADO na ang 50,000 residente ng BF Homes, sakop ng Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa. Sampu hanggang 15 taon na sila walang tubig sa gripo. May mangilan-ngilang nagpahukay ng deep wells. Pero lahat ay umaasa sa rasyon ng water haulers. Hindi naman naiinom ang tubig mula sa trucks. Pakiusap nila kay Presidente Gloria Arroyo mismo na utusan ang Mayni-lad Water Services Inc. na kabitan sila ng tubo ng Metropolitan Waterworks & Sewerage System. Bakit nga naman kalahati ng Parañaque at malalaking bahagi ng Las Piñas at Muntinlupa ay konektado sa Angat Dam, pero ang BF Homes ay bukod-tanging tuyo?

Ang halaga ng rasyong tubig ay P95.11 per cubic meter, kumpara sa Maynilad Water na P17.53 lang, kaya may kaibhang P77.55. Daan-milyong piso sana ang matitipid ng mga taga-BF Homes, at malaki rin ang kikitain ng Maynilad Water, kung maserbisyuhan sila.

Suspetsa ng mga taga-BF Homes ay may sindikato sa rasyong tubig. Ang tawag nila sa water haulers ay "water sharks" dahil sa tindi ng presyo. Sinisingil ng mga opisyales ng BF Homes ang haulers ng P6,000 kada truck kada taon. Nakagawian na ang sistema. May presyong kartel na: P185-190 per 500-gallon drum, o 1.89 cubic meters sa Parañaque; P230 sa Las Piñas at Muntinlupa. Kung presyong Maynilad Water sana, P33 lang kada drum — at maiinom pa.

Umapela na noon pa ang mga residente sa water sharks na babaan sana ang presyo. Walang nangyari; malakas ang loob ng haulers dahil alam nilang aabutin pa ng tatlo hanggang limang taon bago ma-process ang tubig ng karatig na Laguna de Bay para inumin.

Kaya kay GMA na lumalapit ang mga taga-BF Homes. May sapat namang tubig para sa kanila, sineguro ng Maynilad Water. Miski dalawang oras lang kada araw, kuntento na sila, basta magkatubig lang sa gripo. Magpupuyat na sila sa pag-igib kung kailangan, matiyak lang na mas mura at malinis ang supply.

Ilang beses ko nang naisulat ang isyung ito. Natutuyuan na rin ako.

ANGAT DAM

LAS PI

MAYNILAD WATER

METROPOLITAN WATERWORKS

MUNTINLUPA

PRESIDENTE GLORIA ARROYO

SEWERAGE SYSTEM

WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with