^

PSN Opinyon

Sigurista o oportunista?

- Al G. Pedroche -
HAYY politika! Parang drogang nakababaliw. Maghahalalan na naman sa Mayo at nakalilito para sa ating mamamayan ang pagpili ng tamang kandidato. Dami kasing politiko na hindi matiyak kung gustong maglingkod sa bayan o maglingkod para sa sariling interes.

Sino nga ba ang sinsero at seryoso? Halimbawa, balita ko’y nagparamdam si Senador Pia Cayetano na ibig tumakbo sa pagka-mayora ng Taguig.

Anyway, sino ba tayo para pigilan siya. Kung talagang ibig niya. Ika nga, everyone is entitled to his or her pursuit of happiness. Kaya lang, wala pang opisyal na pahayag si Madam Senator kaya nabibitin ang taumbayan. Dapat siguro, magsalita na nang hayagan at tapatan si Madam Senator. Taguig ba o Senado?

Likewise, hindi dapat gamitin ang pangalan ng yumaong Compañero Rene Cayetano ng kanyang mga anak sa pangangampanya. Dapat ang isang anak ay gumawa ng pangalan mula sa sariling sikap.

At ano itong nababalitaan ko na pati sina Fred Lim, Lito Lapid at Bong Revilla ay naguguluhan o hindi pa desidido. Naisulat ko pa naman na boto ako kay Lim na magbalik-mayor ng Maynila pero ano ba talaga mga tol? These people must come out in the open at ideklara ang pinal na intensyon at political plans.

Kailangang kailangan ng bansa na pumili ng magagaling na leader. Sobrang hirap na ang dinanas natin. Dapat ang mga politiko’y huwag naman pulos param- dam lang. Dapat ilantad ang kanilang kulay kung ano nga ba sila. Maglilingkod sa bayan o hindi?

Kailangan din ang mga kandidatong may agenda para sa ikabubuti ng bayan at hindi pansarili. Plataporma at hindi puro porma na walang plata. Platapormang may tibay na maaasahan. Naipapatupad.

Kaya sa mga politikong nabanggit natin, let’s call a spade a spade. Kung hindi, baga ilapat sa kanila ang taguring sigurista o oportunista.

BONG REVILLA

DAPAT

FRED LIM

KAYA

LITO LAPID

MADAM SENATOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with