^

PSN Opinyon

Mga kompanyang ginagamit ang mga bata bilang trabahador, mahuhulog kayo sa BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAKABABAHALA ang problemang child labor sa Pilipinas kung saan ay dala lamang ng problema sa kahirapan.

Maraming batang Pinoy ang maagang nasasabak sa bigat ng trabaho hindi dahil sa kagustuhan nila kung hindi para makatulong sa kanilang pamilya at makaraos sa hirap ng buhay.

Katulad na lang ng ilang tip na ipinarating sa BITAG ng ilang residente ng Antipolo City na isa lamang maliit na halimbawa ng child labor. Maituturing na paglabag sa batas ang pagkuha ng mga manggagawang menor-de-edad.

  Lalung-lalo na yung mga kompanyang katulad ng RC Chemical na inilalagay ang kalusugan ng mga bata sa paggawa ng mga kemikal katulad ng thinner, pintura at kung anu-ano pang kemikal.

Alam ng BITAG na marami pang ganitong mga kompanya ang lumalabag sa batas na patuloy na gumamit ng mga bata sa kanilang kompanya. Gumagamit sila ng mga menor de edad na manggagawa para makatipid sa halaga ng paggawang dapat nila bayaran kumpara sa mga lehitimong manggagawa.

Bukod dito, nilalabag nila ang karapatan ng mga menor-de-edad na protektado ng estado na sana ay nasa mga eskwelahan para mag-aral. Pero sa ngayon ay maraming kabataan ang patuloy na inaabuso ng mga tusong kompanya.

Kalimitan sa mga naabuso yung mga nasa malala yong lugar o probinsya na hindi napagtutuunan ng pansin. Dahil dito patuloy ang kampanya ng BITAG para matigil ang paglabag sa karapatan ng mga kabataan.

Kaya kung may nalalamang ganitong uri ng kompanya na ginagamit ang mga bata, ipagbigay- alam agad sa BITAG kami na ang bahala, makakaasa kayong protektado ang inyong pagkakakilanlan.

ALAM

ANTIPOLO CITY

BUKOD

DAHIL

GUMAGAMIT

KALIMITAN

KATULAD

KAYA

LALUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with