^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Ba’t di agad isinapubliko ang resulta ng Melo?

-
NGAYON ay marami na ang nakaaalam kung bakit hindi agad inilabas ng Malacañang ang resulta ng Melo Commission. Maaaring tamaan si President Arroyo sa mga nangyayaring political killings sa bansa. Isang buwan pa ang pinalipas bago isinapubliko ng Malacañang ang resulta ng commission at ito kung hindi pa pinressure nang bumisitang imbestigador ng United Nation. Ayon sa Melo Commission, may kinalaman ang military sa extrajudicial killings sa bansa.

Ayon sa Melo report, bagamat walang direktang ebidensiyang makapagtuturo sa military, nakakalap naman sila nang matitibay na ebidensiya na sangkot ang ilang sundalo sa pagpatay sa mga militanteng aktibista. At ang dahilan sa mga pagpatay sa mga hinihinalang makakaliwa: "kaaway sila ng estado". At ang nakakahiya, ayon pa rin sa Melo report hindi man lamang pinaiimbestigahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga nangyayaring pagpatay sa mga aktibista. Isa pang nakahihiyang natuklasan ng Melo Commission ay ang salitang "neutralize" bagamat hindi naman umano ibig sabihin nito na dapat "patayin" ang mga aktibista.

Bumisita sa bansa si Philip Alston ng UN para personal na alamin ang mga nangyayaring extrajudicial killings. Sinabi ni Alston na nagsisinungaling ang military sa mga nangyayaring pagpatay. Hiniling ni Alston kay President Arroyo na ilabas ang imbestigasyon ng Melo Commission. Na-pressure nga ang Arroyo administration at inilabas ang imbestigasyon.

Ayon sa grupong Karapatan, mahigit 800 aktibista ang napatay mula nang maupo si President Arroyo. Itinuturo rin naman ng mga militante ang "utak" sa mga pagpatay na si retired Lt. Gen. Jovito Palparan. Maraming napatay na aktibista sa Oriental Mindoro nang madestino roon si Palparan. Nang ilipat sa Central Luzon lalo pang naging sunud-sunod ang pagdukot at pagpatay sa mga aktibista. Itinanggi naman ni Palparan ang akusasyon. Wala siyang kasalanan sa mga pagpatay sa mga aktibista. Sabi rin naman ng AFP, hindi parehas si Alston sa kanyang mga ginawang imbestigasyon.

Nakakahiya ang nangyari na hindi muna inilabas ang report ng Melo Commission. Anong ibig sabihin nito? Para iiwas ang military sa kanilang mga nagawa? O maski si Mrs. Arroyo ay umiiwas sa isyu ng extrajudicial killings?

AKTIBISTA

ALSTON

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

CENTRAL LUZON

JOVITO PALPARAN

MELO COMMISSION

PRESIDENT ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with