Lying, cheating and stealing!!!
February 24, 2007 | 12:00am
KASINUNGALINGAN, dayaan at nakawan. Iyan pa rin ho ang isyu ngayong election kahit na pilit nilalayo ng Malacañang lalo na ng kanilang mga kandidatong mga balimbing.
Kailangan hong sagutin ni Senatores Edgardo Angara, Joker Arroyo at Ralph Recto ang mga katanungang nagsinungaling ba? Nandaya ba at nagnakaw ba ang kasalukuyang administrasyon.
Ganuon din ang mga dating senador na sina Tito Sotto at Tessie Oreta na dating nasa oposisyon at kakampi ng yumaong Hari ng Pelikula na si Fernando Poe Jr.
Hindi maaaring iwasan nina Angara, Arroyo, Recto, Sotto at Oreta ang mga katanungang iyan lalo na ang tungkol sa Hello Garci tapes kung saan dinig na dinig ng sambayanan ang pag-uusap ni Madam Senyora Donya Gloria at ni dating Comelec Commissioner Virgilio "Garci" Garcillano hindi lamang isang beses kung hindi mahigit sampung beses.
Sa naturang tape rin ho ay malinaw na marami rin ang kinakausap ni Garci na mga pulitiko na nagnanais magkaroon ng special operation upang maiangat ang bilang ng boto niela noong halalan ng 2004.
Sagot na oo o hindi lamang ang maaaring ibigay ng mga kandidatong iyan ay hindi matatanggap ng publiko ang kasagutan nilang mga iwas-pusoy dahil marami sa kanila ay nagbitaw na ng salita pagrputok ng Hello Garci scandal na mahirap nilang lunukin muli ngayon.
Sana lamang ay walang katotohanan na nais nilang lunukin ang mga binitawan nilang salita noong tungkol sa dayaan, kasinungalingan at nakawan kapalit ng P150 million pesos at television ad space.
Hindi naman siguro dito kinuha ang perang pinambayad sa mANGARAng ads o dragon na kontra raw sa Charter change pero kakampi ngayon ng grupong nais baguhin ang ating saligang batas upang palawigin ang kanilang termino.
Iyon naman pong nagsasabi ng tungkol sa edukasyon, naaalala niya kaya na kahit mga taga nursery at day care center na bata ay tinuturuan na masama ang pagsisinungaling, pandaraya at pagnanakaw.
Sabagay, nakakabulag ang malaking halaga ng salapi lalo na kung sa abroad pa ito inayos at nalalapit ang kaPaskuhan.
Tiyak, pakiramdam niya naman ay sure winner siya dahil tuwing tanghali ay patuloy ang paglabas niya sa television. Siguro dapat pagawa ng survey ang producer ng naturang noontime show kung bakit dumarami ang nanonood ng katapat nilang noontime show at nais ng karamihan ay itaktak na lang itong nais bumalik sa senado na taong ito nang matuluyan na.
Kakalungkot ho talaga kaibigan, ultimo mga naniwala sa mga taong ito pero huwag daw nating sisihin dahil lahat daw ng tao ay may presyo, depende lamang gaano kalaki. Kasarapan at kasiyahan lamang nila ay hindi basta-bastang presyo ito dahil bukod sa kinita nila nang itakbo nila ang pondong dapat ginamit sa last minute ng kampanya ni FPJ na ipinambili pa ng tahanan sa Estados Unidos.
Of course sabi nga ng mga kaalyado, kakampi, katsokaran, kapartido, kabarkada, kasabwat ni Madam Senyora Donya Gloria ay inggit lamang daw tayo. Hindi ho naiinggit ang sambayanan, nagagalit ho dahil ang salaping pinagpapasasaan n’yo ay galing sa kabang-bayan na pinupuhunan ay pawis at dugo lalo na at tinaasan pa ang buwis dahil sa evat na lalong nagpamahal sa mga bilihin.
O baka naman nakakalimot talaga ang nais na maging gobernadora ang misis na sayang sana dahil magaling pa sana sa pagpapatakbo ng siyudad na pinamunuan. Pero masisisi ba natin siya, dapat namang makinabang siya kahit ilan daang milyong piso man lamang sa pagiging author ng expanded value added tax o evat.
Senators Angara, Arroyo, Recto at former senators Sotto and Oreta, kailangan n’yong sagutin iyan at hindi ho matatanggap ng sambayanan ang iwasan n’yo iyan.
Sa araw ng halalan, tatandaan ng sambayanan ang kasagutan n’yo tungkol diyan lalo na ang pag-iiwas pusoy ninyo na obvious may kapalit, kung ano o magkano kayo ho ang makakasagot.
Kakahiya na itong si Atty. Oliver Lozano na ngayon ay pinalalabas pang sila ang pinuno ng Kilusang Bagong Lipunan at hindi si Ilocos Norte Governor Ferdinand Marcos Jr. na kilala rin bilang si Bongbong.
Nagwawala ang abogadong ito (abogado kaya talaga?) dahil nagpalabas ng certification si Bongbong na walang miyembrong Joselito Pepito "Juju" Cayetano ang KBL.
Kesa manahimik at iatras na lang ang obvious na pinatakbo upang guluhin si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ay nanakot pa silang sisipain raw nila mula sa partido si Bonget.
Ang mga kilos ni Lozano ay nagpapakita sa atin anong klaseng tao at anong klaseng prinsipyo meron siya. Siya rin po ang ilang beses ng gumulo sa impeachment case na sinasampa ng oposisyon sa kongreso laban kay Madam Senyora Donya Gloria.
Bakit hindi natin umpisahan ang turo ni Tata Endong diyan sa Blumentritt na deretsahin ng sinumang makakakita sa kaniya na galit tayo sa ginagawa niya at sabihin ang mga kaanak niya na mali ang ginagawa niya? Baka kasi kahit konti ay tablan ng hiya at matauhan siya at tumigil.
Ngayon kung hindi pa rin ho, huwag n’yo namang gawin ang bulong ni Tata Endong na duraan ng mga waiter ang pagkain o inumin niya sa anumang restaurant na papasukin niya o di kaya’y iwanan ng basura ang harap ng tahanan niya.
Nais nga ho pala ni Tata Endong na gawin ito sa mga mandaraya, sinungaling at magnanakaw pero siguro dapat nating hintayin ang pagbabalik ni Sen. Alfredo Lim sa City Hall ng Maynila upang maisakatuparan ito na epektibo ang kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pagpipintura sa tahanan ng mga kilalang drug pushers na patuloy lang nakakalusot dahil sa kuwartang tinatapal sa ilang tiwaling pulis at huwes.
Salamat sa mga residente diyan sa may tabi ng city jail ng Maynila na maalab tayong tinanggap lalo na kay Nanay Andrelina Opiniano na lagi pala tayong binabasa.
Sa mga tumatangkilik po sa inyong lingkod na nakatira sa ikatlong distrito ng Maynila, text lamang po ninyo ang pangalan at tirahan n’yo para naman pagbisita natin ay personal namin kayong makasalamuha.
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o mag text sa 09272654341.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended