^

PSN Opinyon

Bueser, dapat magpasalamat sa NAIA authorities

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MALAKING tulong ang nagawa ng NAIA authorities nang mabukong may bitbit si Rep. Danton Bueser ng may 20 pieces live ammunition at isang empty magazine sa final check-in redundancy counter ng PAL security Last Saturday night dahil papuntang US of A ang kongresista.

Kung sa Tate nadale si Danton ng mga Kanong security sa paliparan tiyak kalaboso ito todits at malaking kahihiyan ito sa Pinas.

Siyempre kasama sa isyu ang security lapses sa NAIA!

Sasampahan ng kaso si Danton ng PNP-ASG sa Pasay City Prosecutor’s Office dahil sa mga balang nakuha sa kanya.

Nasa hot water naman ang mga security sa x-ray machines ng initial check in counter at final check-in sa NAIA Centennial 2 dahil sa kasong maaaring isampa sa kanila ng kanilang mga bossing.

Sabi nga, negligence!

Binatikos ng ilang officials si Danton dahil sa mga statement na binitawan umano nito na planting daw ang live ammunitions sa bitbit niyang hand-carried bag.

Sabi nila, makikita sa circuit monitor ang nangyari mula nang pumasok sa entrance gate si Bueser hanggang sa final check-in area ng paliparan.

"Siguro dapat magpasalamat si Congressman sa NAIA authorities dahil nabuko ang mga balang dala niya," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Palagay ko hindi akalain ni Danton na may bitbit siyang bala sa kanyang hand-carried bag," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Mabuti nga hindi siya sa Tate nadale kasi kung nagkataon tiyak kalaboso ito."

"Magaling si Rep. Butch Pichay talagang kasangga porke hindi niya pinabayaan si Danton nang mahuli sa NAIA. Pina-custody niya agad ito."

"Iyan kamote ang magkasangga!"

BINATIKOS

BUESER

BUTCH PICHAY

DANTON BUESER

LAST SATURDAY

PASAY CITY PROSECUTOR

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with