Magkano raw ba Rep. Rodolfo Bacani?
February 11, 2007 | 12:00am
DISMAYADO ang mga hawkers at tenants ang I’des O’racca building sa Binondo sa papel na ginampanan ni Rep. Rodolfo Bacani ng 4th District ng Manila sa pagpapabakod ng kanilang inuupahang lugar. Kasama ang umaabot sa 80 pulis ng Manila Police District kasi, binakuran ng grupo ni Bacani ang building na matatagpuan sa kanto ng Echavez, M.D. Santos at Carmen Planas St., sa harap mismo ng Divisoria mall. Kaya pala hindi malutas-lutas ng MPD ang pagpatay kay Chairman Bert Asayo, eh iba ang kanilang pinagkakaabalahan. Alam kaya ito ni Manila Mayor Lito Atienza?
Noong nakaraang Lunes pa binabakuran ng tropa ni Bacani ang 1,013 square meter na 4-storey building at hanggang sa ngayon ay binabantayan pa ito ng taga-MPD imbes na habulin ang mga pumatay kay Chair-man Asayo, he-he-he! Inuuna ang pagkakakitaan imbes na sundin ang kautusan ni Mayor Atienza na lutasin ang Asayo killing, di ba mga suki?
Nang dumating kasi ang tropa ni Bacani kaagad iniutos nito na bakuran ang naturang building eh ang ipinakita nilang order ay ang pag-renovate ng lugar. Itong building kasi ay sentro ng awayan ng Rodil Enterprises Co. Inc. at ng I’des O’racca building Tenants Association Inc. sa pamumuno ni Teresita Furaque, 51, ang administrator at treasurer nito mula pa noong 1987. Siyempre, pumalag ang grupo ni Furaque at iginigiit na may hawak din silang sapat na katibayan para pigilan ang pagbakod ng building kasi nga ang Rodil Enterprises Co. Inc. ay non-existing na mula noong 2003, ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC). Pero ipinag-utos pa ni Bacani na arestuhin ang sinumang hahadlang sa pagbakod ng lugar nga, kaya’t natameme ang tropa ni Furaque. Balak na lang ni Furaque at ng mga hawkers na dumulog sa korte para maging legal ang kanilang laban ke Ba cani nga. At mukhang nasa tamang landas sila, di ba mga suki?
Dahil sa pagbakod na ginawa, naiwan ang mga paninda ng mga tenants sa loob ng builing. Tiyak ang mga perishable items doon ay masisira at milyon ang matatalo sa mga tenants nga. Pero hindi inintindi ni Bacani ang kalagayan ng mga tenants at hawkers dahil mukhang me interes siya sa kalaban nilang nabuwag na Rodil Enterprises nga. Magkano ba ha, Rep. Bacani Sir? ’Yan ang tanong ni Furaque.
Nagtataka lang ang grupo ni Furaque kung bakit sila lang ang inaagrabyado ni Bacani samantalang ang puwesto naman ng Ban-co de Oro at Divisoria Drug na sakop din ng buiding eh iniwang bukas. Ang balita ni Furaque, aabot sa P112,000 ang bayad ng BDO sa kanilang puwesto kada buwan sa Rodil Enterprises kaya’t hindi nila ginambala. Hindi alam ni Furaque kung magkano ang upa ng Divisoria mall.
Nagtataka ang mga hawkers at tenants kung bakit nakialam si Bacani eh sakop na ang lugar ni Rep. Miles Roces ng 3rd district. Siguro kaya matapang si Bacani na sumagupa sa kanila dahil hindi naman constituents niya ang naapakan kundi ang kay Roces. Maliwanag na encroachment ang ginawa ni Bacani. Pero si Bacani ay tatakbong mayor ng Manila sa darating na May elections at makakalaban niya ang brother-in- law ni Roces na si Ali Atienza. Porke ba’t mga supporters sila ng batang Atienza eh ganyan na sila tratuhin ni Bacani?’’ ’Yan ang tanong ng mga hawkers at tenants ng building na balak lapitan ang mga Atienza para tulungan sila sa pang-aapi ni Bacani.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended