^

PSN Opinyon

Sen. Gordon protektor ng Marcos cronies?

- Al G. Pedroche -
TANONG ng barbero kong si Mang Gustin, "protektor" ba ng mga Marcos cronies na nakinabang sa sequestered na PHILCOMSAT at Philippine Overseas Telecommunications Corp. (POTC) si Sen. Dick Gordon?

Sa hearing ng Senado kamakailan, kakatwang hindi binusisi ng komite ni Gordon ang mabilis na pagkaubos ng P1 bilyong assets ng Philcomsat at POTC. Ang "dinikdik" ni Dick, chair ng Senate committee on government corporations ay ang mga kinatawan ng Presidential Commission on Good Governments (PCGG) at Philcomsat Holdings Corporation (PHC). Kung tutuusin, ang PHC ang tanging korporasyong kumikita kumpara sa mga sister corporations nito na POTC at Philcomsat.

Bagama’t subsidiary ng POTC, ang PHC ay hindi sequestered firm. Kahit nasa hurisdiksyon na ng Korte ang usapin sa Philcomsat at POTC, ipinilit pa ring siyasatin ito ng Senado. Bakit may special interest ang Senado? Tanging si Gordon lang at Sen. Juan Ponce Enrile ang dumedepensa sa Philcomsat at POTC. Understandably, si Enrile ay may stake sa dalawang korporasyon at ang pinaka-kinatawan niya ay ang anak niyang si Katrina. Hinihinala na ibig kontrolin din ng mga cronies ang PHC kaya pumasok sa eksena ang Senado.

Hindi ko sinasabing huwag siyasatin ang mga government nominees. Pero hindi patas na sila ang buntunan ng lahat ng sisi sa financial bleeding ng Philcomsat at POTC at pinaburan at malugod na "niyakap" ang mga crony ni Marcos na siyang nagpapalakad ng mga korporasyong ito.

Kung tutuusin, mas dapat managot ang mga crony. Sila ang direktang namamahala. Sila ang front ni nasirang Makoy at ang salaping bumuo sa mga korporasyong pinalalakad nila ay sinasabing mula sa "nakaw na yaman" ni Marcos. Kaya nga sinikwester ang mga iyan ng pamahalaan. Ang mga cronies na ito na may matataas na puwesto sa mga nabanggit na korporasyon ay nauna nang inatasan ng Korte na bakantihin ang kanilang posisyon pero kapit-tuko pa rin. At sa inasal ni Gordon, mistulang giniba niya ang integridad ng mga kinatawan ng pamahalaan sa mga korporasyong ito.

Hindi masisisi ang taumbayan kung maghinalang pinagtatak-pan ni Gordon ang mga katiwalian ng mga cronies na nagpapalakad sa POTC at Philcomsat.

DICK GORDON

GOOD GOVERNMENTS

GORDON

PHILCOMSAT

POTC

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with