^

PSN Opinyon

‘Gaano ba sila kaligtas sa pahamak...’

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
MGA BAHAY KALINGA.... Lugar kung saan ipinagkakatiwala natin ang mga bata na kadalasan ay walang magulang, walang tirahan at walang gustong kumupkop. Maganda ang layunin ng mga lugar na ito. Inaasahan natin na ligtas sila sa anumang panganib at maaalagaan tulad ng pag-aalaga ng isang sariling tahanan ang mga batang sa mga lugar na ito.

Maraming Non Government Organizations (NGO’S) ang nagsulputan upang magbigay kalinga sa ating mga kababayan, mga bata at mga minors.

Ang funding o ang perang ginagastos sa mga home shelters na ito ay kadalasan nanggagaling sa mga donations mula sa mga kababayan nating may kaya, mga business institutions at ang iba ay galing pa sa mga International organizations.

Walang nakakaalam o umo-audit sa mga pumapasok na pera o paano ito ginagastos. Nasa kanilang discretion na yun. Hindi yun ang pakay ko na talakayin sa artikulo ko ngayon.

My concern is the safety of the children that are entrusted in these home shelters. Who is liable aside from the real culprit is something goes wrong while these youngsters are under their care?

Tulad ng kasong ito!

Nagsadya sa aming tanggapan si Cerene Dichoso ng Quezon City upang humingi ng tulong hinggil sa kanyang hinaharap na suliranin.

Hiwalay sa unang asawa si Cerena at nagkaroon ng isang anak. Taong 1992 naman ng makilala niya ang pangalawang asawa si, Melchor Dichoso at nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Melody at Melvin.

Naging miserable ang buhay ni Cerena sa piling ni Melchor sapagkat nalulong ito sa droga, shabu ang kanyang ginagamit. Ayon kay Cerena, kalbaryo ang sinapit niya dahil madalas siyang bugbugin ng asawa. Enero 2000 nang mamatay si Melchor nang magkasakit ito. Nagkaroon ito ng komplikasyon dahilan na rin sa paggamit nito ng droga.

Nilisan ni Cerena ang dating bahay at naghanap sila ng bagong malilipatan. Hirap at sakripisyo ang naranasan nito upang matustusan ang pangangailangan nilang mag-ina hanggang sa makahanap sila ng bahay sa Payatas, Quezon City na pag-aari ni Ronald Evangelista.

Barangay tanod si Ronald sa nasabing lugar. Nagpakita naman ito ng kagandahang loob kina Cerena subalit sa likod pala nito ay may masama siyang balak. Nobyembre 1 at 10, 2000 nang gahasain siya ni Ronald. Nagsampa siya ng 2 counts of Rape laban dito. Pumabor naman ang desisyon ng korte kay Cerena. Nakulong naman si Ronald at double life ang hatol dito.

Sa pangyayaring ito, nagalit ang pamilya ni Ronald sa kanya. Ayon kay Cerena, walang tigil ang pagbabanta at panggigipit sa kanya ng mga ito dahilan upang lisanin na nito ang bahay na inuupahan sa Payatas.

Nagpalabuy-laboy ang mag-iina hanggang sa nakarating sila sa Pembo, Makati kung saan nakiusap sila sa barangay captain na baka matulungan silang makahanap bahay na matutuluyan.

"Inilapit naman ako sa isang konsehal ng Makati para makapasok sa Makati Youth Center pero ang mga anak ko lang ang puwede. Isang linggo lang ako nanatili doon at ako naman ay namasukan bilang katulong," kuwento ni Cerena.

Isang beses sa isang buwan kung dalawin ni Cerena ang mga anak. Mahirap man para sa kanya ang mawalay, tiniis niya ito para na rin sa kapakanan ng mga ito. Panatag ang kalooban niya na maayos ang kanilang kalagayan.

Subalit nung ika-11 ng Mayo 2003 nakatanggap ng text message si Cerena mula sa isang caretaker ng Makati Youth Center na inilipat ang kanyang mga anak sa ibang bahay ampunan ng social worker na si Marilou Pepano. Nang tanungin naman nito kung saan, wala siyang makuhang anumang impormasyon.

Hindi naman malaman ni Cerena ang kanyang gagawin sapagkat malayo siya sa mga anak. Tinawagan niya si Marilou subalit naka-leave ito nung araw na ‘yon kaya’t isang nagngangalang Mela ang kanyang pinagtanungan patungkol sa paglipat sa mga anak niya sa ibang ampunan. Subalit sinabihan daw siya nito na ‘walang karapatan ang ina na malaman kung saan ililipat ang mga anak.’

Kung saan-saan humingi ng tulong si Cerena matagpuan lamang ang anak. Sa kabutihang palad naman ay nasabi rin ang kinaroroonan ng mga ito. Sa Father O’ Brien Angel’s Home Foundation na matatagpuan sa 166 Baltazar St., Grace Park Caloocan City inilipat ang kanyang mga anak.

Setyembre 17, 2003 nang makuha ni Cerena ang kanyang mga anak sa nabanggit na ampunan. Nagulat si Cerena nang makita ang kanyang mga anak sapagkat puro sugat ang mga katawan. Nung una’y hindi siya agad nakilala ni Melvin.

Nang magkasama-sama ang mag-iina ay nagkuwento na ang mga anak na pinagsamantalahan sila ni Vanjo Maglente na tauhan sa loob ng Father O’ Brien. Pinasuri naman niya ang mga ito at lumabas naman na positibong ginahasa ang kanyang anak batay na rin sa medico-legal.

Nagsampa ng kasong Rape si Cerena laban kay Vanjo. Maging ang mga social worker ng Makati Youth Center na naglipat sa mga anak niya ay inireklamo rin niya.

Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin si Cerena sa magiging resolution ni Prosecutor Roseann Balauag kung saan ito ang may hawak ng kaso sa Department of Justice. Umaasa si Cerena na mabibigyan ng hustisya ang sinapit ng kanyang mga anak. Subalit hindi ganun ka simple ang pagreresolba ng kasong ito. Naiintindihan ko si Prosec Balauag dahil sa naisabatas ang Juvenille Justice Welfare Act 9344, ang mga taong na 17 and below ay hindi maaring kasuhan sa korte dahil mga minors. Ito’y naisulat ko na nung June 12, 2006 "LAGING TAMA BA ANG BATAS?"

Ito ang masaklap na dapat harapin ni Mrs. Dichoso at ng sabihin ko sa kanya itong batas na ito, naiyak siya at nasambit, "Ibig bang sabihin hindi mabibigyan ng katarungan ang nangyari sa aking mga anak?"

Dapat nating pasalamatan si Senator Francis "Kiko" Pangilinan dahil sa kanyang isinabatas ang 9344. Ngayon, mas marami na ang statistics kung saan mga minors ang sangkot.

Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig.

vuukle comment

ANAK

CERENA

ISANG

KANYANG

KUNG

MAKATI YOUTH CENTER

NAMAN

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with