Awayan sa lupa
January 25, 2007 | 12:00am
MAY problema ang pamilya Sadiwa sa pamilya Salcedo regarding sa lupa sa isang lugar sa Gasan, Marinduque.
Sabi nga, sino ang legitimate owner ng lot.
Nagsumbong sa mga kuwago ng ORA MISMO ang isa sa pamilya Sadiwa tungkol sa problema nila sa lupa, ipinakita ang titulo nila na nagpapatunay na sila ang real owner.
Nagkaroon ng demandahan sa korte pero ayon sa pamilya Sadiwa, naiinip na sila sa case porke up to now ay pending pa ito.
Sabi nga, ayaw umusad.
Ika nga, mabagal.
Sa sumbong ng pamilya Sadiwa sa mga kuwago ng ORA MISMO, tinayuan pa ng pamilya Salcedo ng konkretong bahay ang lupa nila.
Sabi nga, walang balak umalis.
Ang pinanghahawakan ng pamilya Salcedo laban sa pamilya Sadiwa ay matagal na raw silang nakatirik sa place.
Ika nga, squatter.
Naku ha!
Sana ibaba ng korte ang decision ng kaso para matapos na ang bangayan ng dalawang pamilya sa Gasan, Marinduque para mapakinabangan ng tunay na owner ang kanilang lot.
"Baka magsalpukan ang dalawang pamilya kapag nagkainitan at nagkapikunan ang mga ito," anang kuwagong urot.
"Ang korte lamang ang may power para desisyunan kung sino ang real owner," sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.
"May title na hawak ang pamilya Sadiwa para patunayan na sila ang real owner ng lot," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Palagay ko korte ang may final say dito."
"Kamote, kailan?"
"Iyan ang itanong ninyo sa kanila!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended