^

PSN Opinyon

Out of the barracks

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
HUMINGI si Senador Gringo Honasan ng permisong makapaghain ng kandidatura sa Comelec. Nauna rito’y pinayagan si Lt. Col. Antonio Trillanes IV na mag-file din ng kanyang "certificate of candidacy" sa pagka-senador. Kabilang si Gringo at Trillanes sa hanay ng Hukbong Sandatahan na nais ipagpatuloy ang serbisyo sa bayan sa pamamagitan ng pakikilahok sa eleksyon. FVR, Biazon, Ermita, ilan lang sa mga pangalang sinuklian ng bayan ng tiwala kapalit nang matagal na paglilingkod.

Sa bawat militar na nagtagumpay, higit na marami ang nabigo sa kanilang hangaring sumawsaw sa pulitika. Yun namang mga walang pag-asang manalo at wala rin namang lakas ng loob makipagsapalaran, kuntento nang magpa-appoint sa matataas at sensitibong posisyon matapos magretiro. Sa kasalukuyang pamahalaan, ang Executive Secretary at mga Secretary ng Transportasyon, Public Works, at Natural Resources ay pulos mga dating heneral. Hindi mabilang ang mga militar na may hawak na mataas na katungkulan sa mga sangay ng gobyerno ngayon.

Walang masama sa ganitong "military invasion" sa mundo ng sibilyan – kung puwestong halal ang pag-uusapan. Kahit sino nama’y may karapatan sa ilalim ng Konstitusyon. Bayan naman mismo ang magpapasya kung sila’y karapat-dapat. At kapag bayan ang humusga, tapos na ang kuwento. Sino ba ang tunay na Boss sa gobyerno?

Sa mga appointive position, iba ang matematiks. Ang hukbong sandatahan ay isang propesyonal at walang kinikilingan na puwersa. Ang kanilang sinumpaang tungkulin ay ang paglingkuran ang mga institusyon ng pamahalaan at hindi ang mga personalidad na nagta-tao rito. Iisang pangalan ang dapat nilang kilalanin na amo. Hindi ito Gloria, hindi Hermogenes, hindi Angelo. Ito’y si Juan. Juan de la Cruz.

Ang pagbigay ng puwesto pagkaretiro at ang pagtanggap nila nito ay gawaing sisira sa pinagkakaingatang propesyonalismo ng Hukbong Sandatahan. Hindi mapipigilang paghinalaan na ito’y pambayad-utang. Kaninong interes ba ang isinulong nila sa EDSA? Na kanino ang kanilang loyalty at katapatan? Sa bayan ba o sa ipinuwesto nila? Ang pamumulitika ng militar ay walang idudulot kung hindi kawalan ng morale at dedikasyon ng officer corps. At nagtataka ka pa kung bakit puro junior officers ang suspek pag may kudeta?

Pamumulitika ng Militar Grade: 35

ANGELO

ANTONIO TRILLANES

EXECUTIVE SECRETARY

HUKBONG SANDATAHAN

MILITAR GRADE

NATURAL RESOURCES

PUBLIC WORKS

SENADOR GRINGO HONASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with