^

PSN Opinyon

Malapit nang magka-star ang balikat ni Danny Abarzosa

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
BUWENAS ang 2007 para sa kaibigan kong si Senior Supt. Danilo Abarzosa, ang kasalukuyang Acting Director ng Manila Police District (MPD), matapos ang sunud-sunod na magagandang accomplishment ng kanyang mga tauhan. He-he-he!

Happy 106th Anniversary muna sa lahat ng magigiting na mga pulis ng Manila’s Finest at nawa’y ipagpatuloy pa ninyo ang kasipagan upang mapangalagaan ang seguridad ng mamamayan ng Maynila.

Nakumbinsi ako sa magandang ipinamalas ng mga pulis ng MPD dahil sunud-sunod na nalaglag sa kanilang mga kamay ang mga kriminal na matagal nang nagtatago sa kadiliman. He-he-he!

Taas noo kong pupurihin sina Supt. Eduardo Sierra, Chief ng CIDU; Chief Insp. Dominador Arevalo Jr, Hepe ng Theft and Robbery Division at Chief Insp. Benigno Macalindong, Hepe ng Anti-Carnapping Division at ang kani-kanilang mga tauhan na nagpursige sa pagkakalansag ng Carnapping syndicate na "Tsap-Tsap Gang".

Mantakin n’yo mga suki, sa loob lamang 24- oras ay narekober ang mga sasakyang kinarnap ng grupo sa garahe ng Novelty Haus Warehouse sa Sta. Cruz, Manila matapos na i-hogtied ang security guard. He-he-he! Walang tulugan pala nilang ginalugad ang Kamaynilaan kaya madali nilang natunton ang lugar na pinagkakatayan ng mga nakaw na sasakyan.

At nito ngang nagdaang Lunes January 15 ay muli namang nagpakita ng kasipagan ang Homicide Division nang kanilang malambat ang kilabot na killer ng mga Guest Relation Officer (GRO) at mga bakla na nakilalang si Jimmy, Alias "Jimboy Legaspi" sa isang eksklusibong subdibisyon sa Angono, Rizal.

Ang pag-aresto kay Jimboy ay pinangunahan ni Insp. Victor Miparanum, ang kasalukuyang Officer-in-Charge ng Homicide Division, at ni SPO2 Virgo Villareal, ang tinaguriang "Fugitive Hunter" ng Manila’s Finest.

Natatandaan ko pa nang minsan kaming magkausap ni Insp. Miparanum noong pata-yin ni Jimboy ang dalawang GRO na nakilalang sina Angie Bi- nuya at Genlem de Torres noong umaga ng January 4, na hindi nila tatantanan hang-gat hindi nila naku- kuha nang buhay ang suspek.

"Hindi gawain ng isang pangkaraniwang tao ang karumal-dumal na pagpatay ni Jimboy sa dalawang GRO. Mantakin mo, Pare, matapos na paluin ng tubo ang dalawa ay ginilitan pa ang lalamunan at pinutol pa ang mga daliri ng dalawa para kunin ang mga singsing ng mga biktima."

Hindi nga tinigilan nina Miparanum ang paghahanap. Halos lahat ng kanyang mga tauhan ay pinakilos sa araw at gabi sa lahat ng mga lugar na maaaring pinagtataguan ni Jimboy.

At hindi naman sila nabigo nang isang asset ang tumawag na nakita umano nito si Jimboy sa isang subdibisyon sa Angono. Dali-dali nilang tinungo ang naturang lugar at dito na nahulog sa kani- lang mga kamay ang suspek. He-he-he! Nagbunga ang paghihirap ng mga magigiting na pulis sa loob lamang 16 na araw.

Sa kasalukuyan naghihimas na ng rehas si Jimboy at sinisiguro nina Mipara- num na hindi na ito makakawala. Mukhang timing ang pagiging Director este Acting Director ng kaibigan kong si Danny Abarzosa ngayong 2007. Ito na marahil ang magigiging daan upang maging ganap na siyang pinuno ng Manila’s Finest. Mukhang nalalapit nang kumutitap ang estrelya sa balikat ng kaibigan ko. He-he-he!

Mabuhay kayo diyan sa MPD.

ACTING DIRECTOR

ANGIE BI

ANGONO

ANTI-CARNAPPING DIVISION

BENIGNO MACALINDONG

CHIEF INSP

HOMICIDE DIVISION

JIMBOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with