Nawalay sa piling ni inay...
January 15, 2007 | 12:00am
MAGMULA sa sinapupunan ng isang babaeng nagbubuntis hanggang sa kapanganakan kadalasan ay naririnig natin na ang isang paa nito ay nasa hukay.
Andyan si inay mula sa pagsuso sa dibdib ng isang ina hanggang sa paglaki ay ginagabayan niya ang mga anak lalo na kung ito ay babae.
Kailanman hindi matitiis ng isang ina ang kanyang anak kaya nang magpunta sa aming tanggapan si Rosita Bernas mababakas sa kanya ang pagkabalisa dahil isang taon na niyang hindi niya nakikita o nakakausap ang anak. Kahit na sulat o text message ay wala. Nasaan ka Ana Rose, 17 taong gulang na taga- Asuncion, Pasig City?
Halos mabaliw na sa kahahanap si Rosita kay Ana Rose kaya basahin natin ang kuwentong ito.
Pangatlo sa apat na magkakapatid si Ana Rose. Madalas pagsabihan ni Rosita ang kanyang anak patungkol sa pag-aaral nito dahil hatinggabi na kung umuwi. Puro barkada ang inaatupag nito hanggang sa dumating ang pagkakataong nasaktan niya ito.
Gayunpaman hindi naman nagkulang si Rosita sa pangaral sa anak. Madalas nitong pagsabihan na para naman sa kabutihan niya ang kanyang ginagawa. Samantala hindi nito alam na hindi pinagtutuunan ng pansin ang pag-aaral kaya minsan ay kinamusta nito ang pag-aaral ng anak. Itinanong ni Rosita kay Ana Rose ang card subalit madalas nitong itanggi hanggang sa nalaman na karamihan sa grade nito ay bagsak.
Binalak na rin ni Rosita na ilagak muna sa isang ampunan ang anak upang mabago at madisiplina na rin sapagkat sa tuwing itoy kanyang pagsasabihan, sinasagot pa siya. Nagpasya si Rosita na mas mabuting pansamantalang tumigil muna sa pag-aaral ang anak.
"Oktubre 2005 kinausap ko si Ana Rose. Naawa naman ako sa kanya nang tumigil ito sa pag-aaral kaya tinanong ko kung gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral. Pero ang sabi niya sa akin yung kapatid na lang muna niya ang mag-aral at saka na lamang siya babalik kapag kami ay nakaluwag na," kuwento ni Rosita.
Awa naman ang naramdaman ni Rosita sa anak nang magpaubaya itong ang kapatid na lamang muna ang pagtapusin dahil sa gipit din sila nang mga panahong iyon. Marahil sa kagustuhan naman ni Ana Rose na kumita ng pera, hindi alam ni Rosita na kinausap nito ang isang tiyahin upang siya ay magbenta ng mga produktong ng Natasha at Avon.
Inakala ni Rosita na hindi na nakikiparbakada ang anak hanggang sa malaman nito na hindi inire-remit ang mga nagbabayad sa kanya kaya agad niyang kinausap ang anak patungkol dito.
Hindi naman nito matiis ang anak kaya nagsakripisyo itong mag-abono sa perang nagastos ng anak. Pinagsabihan ni Rosita na itigil na ang pagbebenta ng mga produktong iyon subalit hindi naman siya sinunod nito.
Wala na rin itong nagawa sa anak. Hinayaan na lamang niya ito sa kung ano ang nais nito para sa sarili subalit hindi naman siya nagkulang sa pagpayo kay Ana Rose.
Ika-16 ng Nobyembre 2005 ng hapon nang magpaalam si Ana Rose sa kanyang ina na may sisingilin lamang ito. Subalit lumipas ang madamag na hindi ito umuuwi ang anak kaya labis na itong nag-alala.
"Kinabukasan nagbakasakali naman akong uuwi rin ang anak ko dahil hindi naman niya ginawa yun kahit na napapagalitan ko siya umuuwi pa rin ito ng bahay," paliwanag ni Rosita.
Lumipas muli ang isang araw subalit hindi pa rin nagpapakita ang anak na bagay na kanyang pinagtatakahan. Hindi naman ito napagalitan o nasaktan nung araw na umalis ito ng bahay.
Nagdesisyon si Rosita na ipa-blotter na sa kanilang barangay ang pagkakawala ng anak. Hindi na rin ito tumigil sa paghahanap sa nawawalang anak dahil sa pag-aalalang baka may masamang nangyari na dito.
Bigo si Rosita sa paghahanap sa kanyang anak. Kung saan-saan na nito hinanap pero hindi niya matagpuan. Ang mga lugar na pinupuntahan ng anak ay wala rin makapagsabi kung ito ay nasaan.
Lumipas ang halos isang taong paghahanap sa anak subalit hindi pa rin niya ito nakita. Samantala nagkaroon naman ng hinala si Rosita na ang katulong sa katabing bahay nila ay ang kanyang anak. Wala namang konkretong batayan na ito ay kanyang anak subalit bilang isang ina, pakiramdam ni Rosita boses ito ni Ana Rose.
Namatay ang katulong na ito subalit hindi nakabukas ang kabaong na ito, ayon kay Rosita. Hiniling niya na makita ito subalit hindi naman siya pinayagan.
Nakapagtataka naman wala namang pinagtalunan at sinasabi ring walang boyfriend si Ana Rose subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagpapakita.
Ikaw, Ana Rose kung nababasa mo ang artikulong ito, yang buhay mo ngayon ay utang mo sayong ina. Kung hindi dahil sa kanya wala ka sa mundong ito. Kung buhay ka at pinagtataguan mo lang ang iyong ina, maawa ka naman sa kanya. Matakot ka sa karma dahil SA BAWAT PATAK NG LUHA ng iyong ina yan ay dahil sayo. Pagbabayaran mo yan hindi man sa kanya baka gawin sayo yan ng magiging anak mo.
Para sa anumang impormasyon na makapagbibigay sa kinaroroonan ni Ana Rose maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kayay sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am