^

PSN Opinyon

24-oras lamang ang tumagal at nadakip ng MPD ang mga kawatan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SA loob lamang ng 24 na oras nadakma ng magka- sanib na puwersa ng Manila Police District ang anim na myembro na responsable sa pagnanakaw ng mga mamahaling figurine novelty items at dalawang sasakyan. He-he-he! Ang galing nyo mga Sir, nawa’y dumami pa ang lahi nyo!

Ang mga ninakaw na mga figurine at dalawang sasakyan ay pag-aari ng Novelty Haus warehouse ng pasukin ng ilang mga kalalakihan noong madaling araw ng Jan. 11 matapos na i-hogtied ang guwardyang si Ismael Mamites. Mapalad pa itong si Ismael dahil hindi siya sinaktan ng mga kawatan.

Nag-pasirku-sirko umano si Ismael upang makalag ang masking tape na ipinalupot sa kanyang kamay at paa dahil hindi siya makasigaw para humingi ng tulong dahil may busal din ang kanyang bunganga, at matapos nga ang matiyagang pagpupumilit na makalas ay agad siyang nagtungo sa himpilan ng MPD at inireport ang naturang insidente na agad namang i-nalarma sa lahat ng ahensya ng pulis.

Kaagad na nagpakalat ng mga impormante ang mga tauhan nina Chief Insp. Arevalo at Chief Insp. Macalindong sa buong kamaynilaan upang makita ang naturang mga sasakyan. At nagbunga naman ang kanilang trabaho dahil sa isang asset na nagkunwaring bibili ng truck (di ko na babanggitin ang pangalan mga suki) ay natunton ang katayan ng mga sasakyan sa isang lugar sa Tondo. He-he-he!

Huli sa akto ang anim na nakilalang sina Antonio Perillo y Bueno, 52 yrs old, "Salyador" tagabenta ng mga nakaw na sasakyan, ng 388 Honorio Lopez St., Balut, Tondo; Frederic Borenaga y Mirafelix, 35 yrs old, "Lathe Smithn-Michanic" may ari ng puwestong pinagkakatayan ng mga nakaw na sasakyan sa 1941 Capulong St., Tondo.

Eric Urbina y Cuyugan, 38, "Lathe Smith" na taga 753 Interior 80 Raja Bago Ernesto Gambao y Cuyugan, 52 "Helper Michanic" ng 726 Francisco Gatmaitan St.; Jonathan Vicena y Pineda, 26 helper ng 1608 Antipolo St., Sta Cruz, Manila at Rolando Palo-mia y "Quit driver" ng Building 16 Unit-203 Permanent Housing Project, Balut, Tondo.

Hayaan ninyo ako mga suki! at ilalarawan ko sa inyo kung paano isinagawa ng mga magigiting nating pulis ang operasyon. Ganiri lang po kadali mga suki! He-he-he!

Matapos na makumpirma ang tawag ng asset at agad na pinagsanib nina Supt. Edgardo Sierra, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) Chief Ins. Dominador Arevalo Jr, Theft and Robbery Division at Chief Insp. Benigno Macalindong ang kanilang mga tauhan.

Simbilis ng kidlat ang ikilos ng tatlong hepe ng MPD at madaliang nagtungo sa naturang lugar kasama ang may humigit kumulang sa 20 tauhan na may matataas na kalibre ng baril.

At dahil sa may kataasan ang pader ang ilang mga pulis ay napilitang akyatin at saka nila natutukan ng mga baril ang mga suspek. Huling-huli sa akto na kinakatay ang isang Mitsubishi closed van na may plakang XKL-435 ng limang suspek.

Kaagad na nagsagawa ng imbestigasyon sa natu-rang lugar ang mga pulis at napatunayan na ang natu-rang sasakyan ay positi- bong kinarnap sa Novelty Haus Warehouse.

May hinala ang mga pulis na matagal ng nag-tsa- tsaptsap ng mga karnap na sasakyan ang grupo dahil marami pa silang narekober na mga windsheld na pawang buo pa ang mga LTO sticker.

At dahil sa dalawang sasakyan ang pakay ng mga pulis ay agad itong nagsagawa ng follow-up operation sa mga kalapit na lugar subalit nabigo ang mga ito na makita ang isang Mitsubishi L-300 na may plakang ZEE-332 kung kayat agad sila humingi ng tulong sa lahat ng mga istasyon ng pulis sa buong kamaynilaan.

Hindi naman sila nabigo at ng may isang concerned citizen ang tumawag na may isang L-300 Van ang iniwang nakaparada sa kalye ng Galas, Quezon City.

Sa kasalukuyan ay himas rehas ang anim na mga suspek sa loob ng kulungan ng MPD at inihahanda na ang kawing kawing na asunto. Subalit patuloy pa rin ang follow-up operation ng mga tauhan ni MPD Acting Direc-tor Senior Supt. Danilo Abarzosa upang huluhin ang "utak" at responsable sa mga nakawan at karnaping na mag-ama na kinilala lamang sa alyas Ogie at Renee.

Saludo na naman ako muli sa mga masisipag at magagaling nating pulis ng Manila’s Finest, ipagpatuloy pa ninyo ang mabuting gawain ng kayo’y aking purihin at maging ng taong bayan. Palakpakan natin sila mga suki! He-he-he-he.

ACTING DIREC

ANTIPOLO ST.

ANTONIO PERILLO

BENIGNO MACALINDONG

CAPULONG ST.

CHIEF INSP

PULIS

SASAKYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with