Mahinang depensa
January 11, 2007 | 12:00am
Si Al ay estudyante sa kolehiyo at nagtatrabaho bilang security guard sa isang banko. Habang nag-aaral, nakilala niya si Lea, isang probinsiyana. Naging nobya niya at nabuntis. Makalipas ang tatlong buwan, ikinasal ang dalawa sa probinsiya ni Lea.
Matapos ang isang buwang pananatili ni Al sa probinsiya, bumalik siya ng Maynila. Si Lea ang dumadalaw sa kanya sa Maynila upang ipaalam ang kalagayan ng kanyang pagbubuntis. Nanganak si Lea subalit kulang sa buwan at namatay ito. Mula noon ay unti-unti nang lumayo si AL kay Lea hanggang lihim na itong nagpakasal sa ibang babae.
Nang matuklasan ni Lea ang pagpapakasal ni Al, kinasuhan niya ito ng bigamya. Bilang depensa, iginiit ni Al na sanhi ng pagbabanta at karahasang ginawa sa kanya ay napilitan siyang magpakasal kay Lea. Pinaniwala rin daw siya ni Lea na siya ang ama ng pinagbubuntis nito samantalang wala naman daw siyang "erection" nang sila ay nagtalik. Kaya upang lumakas ang kanyang depensa sa kasong bigamya, naghain naman siya ng petition for annulment ng kanilang kasal makalipas ang apat na taon at walong buwang pagsasama gamit ang katulad na depensa sa bigamya. Ayon kay Al, matinding takot ang kanyang dinanas dahil marami ang naging banta sa kanyang buhay at seguridad bago sila ikasal ni Lea tulad ng ilang tawag mula kay Lea at sa mga di-kilalang mga tao. Madalas din daw siyang puntahan ng tatlong kalalakihan sa kanyang pinapasukang unibersidad at minsan ay nagpakita sa kanya ang lider ng NPA na inupahan ng pamilya ni Lea. Ang NPA lider na ito ang nagdala sa kanya sa probinsiya upang pakasalan si Lea. Iginiit din ni Al na dapat lamang na mapawalambisa ang kanilang kasal ni Lea dahil hindi naman sila nagsama sa isang bahay bilang mag-asawa. Tama ba ang mga dahilang ibinigay ni Al upang mapawalambisa ang kanyang kasal kay Lea?
MALI. Inabot si Al ng apat na taon at walong buwan bago siya naghain ng petition for annulment. Ang matagal na panahong ito ay nagpapatunay lamang na umasa si Al sa pabor na desisyon ng kasong ito upang lumakas ang depensa niya sa kasong bigamya. Hindi rin napatunayan ni Al na malakas ang pagbabanta at karahasan sa kanya upang mapagkaitan siyang manindigan na hindi magpakasal kay Lea. Hindi rin kapani-paniwala ang kawalan ng kanyang kakayahan na proteksyunan ang sarili dahil isa siyang security guard o ang paghingi niya ng tulong sa unibersidad laban sa mga taong nagbabanta sa kanya.
Mahina rin ang depensa ni Al sa kawalan niya ng kakayahang makipagtalik dahil inamin naman niya ang kanilang pagtatagpo ni Lea sa isang hotel. Samantala, ang hindi pagsasama nina Al at Lea sa isang bahay ay hindi dahilan upang mapawalambisa ang kanilang kasal.
Kung gagamitin itong dahilan, magiging madali sa mag-asawa na magkasundong hindi magsama upang mawalan ng bisa ang kanilang kasal. Sa katunayan, kinakailangan lamang patunayan ang kawalan ng pagsasa-ma ng mag-asawa kapag ang dahilan ng pagpapawalambisa ng kasal ay kakulangan ng pagsang-ayon ng magulang, panloloko, pagkabaliw, pagbabanta o di-wastong impluwensya. Samakatuwid, dahil hindi napatunayan ni Al na ang hindi nila pagsasama ni Lea ay base sa mga nabanggit na dahilan, ang kanilang kasal ay mananatiling may bisa (Villanuevs vs. CA and Villanueva, G.R. 132955, October 27. 2006).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest