^

PSN Opinyon

Sige pa, Supt. Romulo Sapitula!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
TINUGON na ang mata-gal ng kahilingan ng mga residente at motoristang nabibiktima ng mga sanggano ng Balut, Tondo matapos na paigtingin ni Police Superintendent Romulo Sapitula ang kampanya laban sa mga kriminal.

Nag-ugat ang kampanya ni Sapitula ng aking ibulgar ang pag-bulag bulagan ng mga dating pulis na nakakasakop sa naturang lugar. At nang siya nga ang naitalagang hepe ng Balut Police Station noong nakaraang December 8, 2006 ay agad niyang pinulong ang may 105 barangay chairmen ng naturang lugar.

Sa unang meeting ng mga barangay chairmen ay iilan lamang ang dumalo sa dahilang dismayado umano ang mga chairmen sa mga nagdaang mga hepe, dahil puro lamang dialog ngunit wala namang nangyayari.

Pawang pipitsugin lamang umano ang nahuhuli ng mga nagdaang pulis at kadalasan ay binabangkita pa nila, kung kaya’t patuloy ang paglipana ng mga kriminal sa kanilang lugar. He-he-he! Ito’y pinatunayan ng ilang chairman na nakausap ko.

Sa kasalukuyan ay may kabuuang 320 katao na ang nalambat ni Sapitula na pawang may mga kasong robbery holdup, Akyat Bahay Gang, drug pushers and users at mga pugante matapos na maglunsad siya ng anti-crime operation.

Walang inaksayang oras si Sapitula maging ito’y araw o gabi nang kanyang salakayin ang pinaghihinalaang lungga ng mga pusakal na krimi-nal na ikinasiya ng mga opisyales ng barangay at maging ng mga residente. Sa ngayon ay may kabuuang 10 anti-crime operation na ang naisagawa ng grupo ni Sapitula at mga barangay mula nang siya’y manungkulan sa naturang police station.

Pawang positibo ang kanilang nalambat dahil karamihan sa mga ito’y may mga warrant of arrest at ang ilan nama’y positibong kinilala ng mga biktima. Kung inyong matatandaan na noong nakaraang taon ay naging laman ng aking Banat ang talamak na holdapan sa may kahabaan ng Road-10 at Moriones St.

At ilang opisyal din ang aking tinukoy na nagpabaya sa kanilang tung-kulin, subalit sa kasalukuyan ay tila hulog ng langit si Sapitula sa mga mamamayan ng Tondo dahil sa kanyang kasipagan at tapang.

Sa ngayon naging regular na ang pagpupulong ng may 105 Barangay Chairman at ni Sapitula kasama ang Police Community Relation Office ni SPO3 Vicente Rodriguez na tumatalakay sa peace and order sa Programang "Pulis at Barangay magkatuwang sa pagsugpo sa Kriminal"

At dahil sa pakikiisa ng mga Barangay at mga residente ay unti-unti nang nanunumbalik ang katahimikan. Ipinagmalaki pa ni Sapitula na nagbunga ng maganda ang kanyang programa, sa katunayan ay naitala sa unang pagkakataon na ang kanyang nasasaku-pan ay walang nagpaputok ng baril ng Bagong Taon.

Saludo ako sa’yo Sir! Naibabalik mo ang mabuting imahe ng pulisya.

AKYAT BAHAY GANG

BAGONG TAON

BALUT POLICE STATION

BARANGAY

BARANGAY CHAIRMAN

MORIONES ST.

PAWANG

POLICE COMMUNITY RELATION OFFICE

SAPITULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with