^

PSN Opinyon

Tips sa mga magulang! (Escort Service)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
PINAG-IINGAT ng BITAG ang mga magulang lalo na ’yung mga may anak na estudyanteng nag-aaral sa mga exclusive schools sa university belt. Sila ang pangunahing target ng sindikatong nasa likod ng ‘‘escort service’’ kuno.

Ilang impormasyon na ang natatanggap ng BITAG na patuloy ang operasyon ng ‘‘escort service’’ sa bansa, pasimple ang pangangalakal sa mga estudyanteng babae sa pamamagitan ng website na ibibigay lamang sa mga taong kanilang parukyano. Maingat ngayon ang grupong nasa likod nito.

Matatandaang matagumpay na nahulog sa BITAG ang nasa likod ng ‘‘escort service’’ na si Benjamine Quinto. Sa tulong ng isang asset na naging biktima rin.

Malaking pera ang pang-akit kapalit ang oras na ilalaan sa pagsama lamang sa foreigner, pulitiko at kung sinu-sino pa bilang escort.

Subalit sa likod ng lahat ng ito ay prostitusyon. Mga kabataang kababaihang naliligaw ng landas, nalululong sa bisyo o ’yung produkto ng ‘‘broken family’’ ang kanilang nahihikayat. Ito ang katotohanan base sa isang escort service na lumapit sa BITAG.

Kung dati advertisements sa mga broadshet at tabloid ang kanilang ginagamit ngayon sa pamamagitan ng pagpasok sa kanilang website. Karaniwang parukyano ay ilang mga pulitiko, artista at mga businessman.

Kaya upang makasiguro na hindi kabilang ang inyong mga anak ng ‘‘escort service’’ bisitahin paminsan-minsan ang inyong anak sa kanilang tinutuluyang boarding houses at dormitory at pagmasdan ang ikinikilos nila. At higit sa lahat silipin ang kanilang ‘‘attendance’’ sa paaralan.

Kung may pagdududa kayo… tumawag sa BITAG. Ang lahat ng ito’y itinuturing naming confidential.

vuukle comment

BENJAMINE QUINTO

ESCORT

ILANG

KANILANG

KARANIWANG

KAYA

MAINGAT

MALAKING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with