Mga parcel na padala pinagkakaperahan ng ilan!
January 3, 2007 | 12:00am
ISANG reklamo ang natanggap ng BITAG buhat sa isang nagrereklamong kumukuha ng parcel na padala sa kanya ng isang kaibigan buhat sa ibang bansa. Nang kukuhanin nya na ang parcel ay pinagbabayad daw siya ng halagang mahigit sa P2,000.
Dahil sa hindi nya inakalang ganun kalaki ang babayaran sa pagkuha ng naturang parcel sa mailing station ng Las Piñas kaya hindi nya na ito kinuha. Ang pinagtataka ng nagrereklamo sa BITAG ay dati naman daw nagpapadala sa kanya at P30 lang ang kanyang binabayaran.
Gayung puro pinaglumaang gamit lang ang laman ng naturang parcel. Nang tanungin pa raw nya kung may resibo ang kanyang babayaran ang sagot daw ng empleyadong kanyang nakausap ay kapag walang resibo puwedeng isang libo na lang ang kanyang babayaran.
Kolokoy talaga ang ilang empleyado dyan kaya nang tinawagan ng BITAG ang naturang tanggapan ay nagtuturuan na sila. Kaya naman nang balikan ang parcel ng nagrereklamo ay hindi na ito pinagbayad.
Ayun naman pala bakit puwedeng walang bayad, o natakot lang kayo sa kalokohang inyong ginagawa ryan. Nabahag ba ang mga buntot nyo na baka mahulog kayo sa BITAG?
Sana ngayong 2007 ay maging tapat ang ilang tiwaling empleyado dyan dahil sa susunod na may magreklamo sa BITAG sisiguraduhin namin na tutuldukan na namin ang inyong kalokohan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended