^

PSN Opinyon

Land grabbers

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
Bumabati ako ng Masaganang Bagong Taon sa lahat ng mambabasa ng Pilipino Star NGAYON!
* * *
Minsan ay tinalakay ko sa column na ito ang tungkol sa lupa sa Tagaytay na pag-aari ng isa kong kaibigan. Ang lupa na kanyang pinaghirapang ipundar sa mahabang panahon, sa isang iglap ay inagaw lamang ng isang grupo ng ‘‘LAND GRABBERS’’ at kasabwat pa sa pag-agaw ang maykapangyarihan sa Hudikatura.

Ngayon ay muli na naman silang lumalabas sa kanilang mga lungga. Walang tigil sa paghahasik ng lagim para muling painitin ang kaso at mapasakamay na nila ang lupa. Para silang mga leon na umaatungal at humahanap ng mabibiktima; mga ganid sa kayamanan, mapagsamantala sukdulang ang kapwa nila’y mapahamak at mayurakan ng dangal, maalisan ng karapatan upang mapasakamay ang lupa na hindi na kanila.

Malalakas ang loob ng grupong ito sapagkat kinakanlong sila ng isang hukom, kung kaya’t ang desisyon sa korte ay madalas pumapabor sa kanila. Wala nang delikadesa ang grupong ito, lantaran na kung babuyin ang ating batas.

Dapat sana’y ang hudikatura ang protector ng taumbayan, ang magbigay ng pantay-pantay na pagpapairal ng batas laban sa mga ‘‘LAND GRABBERS’’ na ito.

Ano kaya ang kapalit sa isang desisyon? Judge, ano kaya?

‘‘Land grabbers’’ ano ba?

ANO

BUMABATI

DAPAT

HUDIKATURA

MALALAKAS

MASAGANANG BAGONG TAON

MINSAN

NGAYON

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with