^

PSN Opinyon

Let’s go na with Guingona

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
WALA raw pwedeng mamuno sa watak-watak na oposisyon? O sige, pag-awayan ang liderato. Pero habang pinagdedebatehan, sasakay muna kaming taumbayan sa balikat ng walang kapagurang mandirigma ng aming karapatan. Pakidagdag please ng boto ko para kay Teofisto Guingona.

Una siyang naka-engkwentro ng REPORT CARD sa sagupaang KBL at LABAN noong 1978. Kabilang siya sa pangkat ng 21 na lumaban kay President Marcos at Gng. Imelda sa Metro Manila. Noo’y hindi pa siya kasing sikat ng mga nakasabayang pulitiko subalit sa mga nahawakang puwesto at natamong karangalan ay nahigitan na niya ang rekord ng mga malalaking pangalan ng kanyang henerasyon. Siya’y naging Vice President, Senador, Executive Secretary, Secretary of Justice, Commision on Audit Chairman at Ambassador sa China.

Ang bentahe ni Guingona ay ang kanyang prinsipyo. Ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob na manindigan laban sa abuso. Lumaban kay Marcos (at nakulong), lumaban kay Estrada at ngayon lumalaban kay Arroyo. Kumontra sa US Bases, sa Visiting Forces Agreement at pati sa mga sundalong nang-api kay Nicole. Always present saan man may kilusan laban sa pang-aapi at kontra sa abuso, maging dasalan man o malaki (kahit maliit) na kilos protesta. Impeachment, Fort Bonifacio Marine HQ, Binay Suspension at marami pang iba. At hindi matatawaran ang katapangan ng lolo – ilang diploma na ang meron si Guingona sa pamantasan ng lansangan? Masters in cannon law, as in water cannon sa Mendiola.

Kung ang mga nagsulong ng midnight express sa Kamara ang maituturing na mukha ng lahat ng kasuklam-suklam sa pulitika, masasabing si Guingona ang salamin ng kung ano ang maganda sa pulitika. Sa mga naghahanap ng bagong pag-asa sa bagong mukha’t pangalan, lumingon lang sa katabi at makikita niyo ang tunay ng anyo ng ating kinabukasan. Sa kanyang walang patid na pakikipaglaban, siya na rin ang de facto na lider ng oposisyon. Old model man, mahaba ang serbisyo at maganda pa rin ang takbo. Boses ng Katwiran, Larawan ng Katapangan at Simbolo ng Katapatan. May tiwala ako kay Teofisto Guingona.

TEOFISTO GUINGONA GRADE: 94

AUDIT CHAIRMAN

BINAY SUSPENSION

EXECUTIVE SECRETARY

FORT BONIFACIO MARINE

GUINGONA

KAY

METRO MANILA

PRESIDENT MARCOS

SECRETARY OF JUSTICE

TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with