^

PSN Opinyon

Walang 2007 budget masakit sa dukha

SAPOL - Jarius Bondoc -
NAGMAMADALING nag-Christmas vacation nu’ng Huwebes ang Kongreso. Iniwang nakatiwangwang ang taun-taong pinaka-mahalagang trabaho: Magpasa ng national budget. Nagsi-abroad na ang senadores at congressmen habang madilim ang haharapin ng mahihirap sa 2007.

Dahil walang ipinasang budget para sa 2007, otomatikong mananaig ang 2006 budget. At dahil reenacted na rin ang 2006 budget, kuwenta ang budget ng 2005 ang iiral sa darating na taon.

Ang masamang epekto nito ay hindi sa mga mambabatas. Kukubra pa rin ng P200 milyong pork barrel ang bawat senador at P70 milyon kada congressman. Ang masasaktan ay ang mahihirap. Kasi, ang gagastahin ng gobyerno para sa kanila ay gan’un sa ginasta nu’ng 2005.

Pangalawang magkasunod na taon nang hindi nagpasa ng budget. Ang epekto ay sa kabuhayan. Nu’ng patapos na ang 2005 at iprinesenta ang 2006 budget, tinarget ng gobyerno na umunlad ang bansa nang 6.1%. Pero biglang hindi naipasa ang budget. Napilitang umulit ng gastos ang gobyerno, miski dumami ang tao. Ang naging pag-unlad, 5.6% lang tuloy. Lumala ang pagkagutom. Nagsimula ito sa 2.54 milyong pamilya nu’ng Enero; tapos naging 2.86 milyon nu’ng Abril, 2.92 milyon nu’ng Hulyo, at 3.1 milyon nu’ng Oktubre. Nalunasan sana ito kung napalaki ang ginugol ng gobyerno sa kanila.

Mas lalala ang kahirapan sa 2007. Sa panukalang 2007 budget P1.181 trilyon sana ang gagastusin ng gobyerno sa pasahod, maintenance, repair, at paggawa ng mga bagong kalsada, palengke, eskuwelahan at pasilidad. Pero mapipilitan itong gumasta ng P834.94 bilyon lang tulad nang 2005 – o P350 bilyong kabawasan.

Ang kabawasang ‘yan sana ang mapupunta sa mahihirap sa anyong gamot, edukasyon, patubig, pabahay, pakain, at trabaho. Aba’y napurnada pati ang pangakong dagdag-sahod sa 1.3 milyong kawani ng gobyerno.
* * *
Maligayang Pasko sana sa inyong lahat.

ABRIL

BUDGET

DAHIL

ENERO

GOBYERNO

HULYO

HUWEBES

INIWANG

MALIGAYANG PASKO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with