"Huling sigaw (narinig na!)"
December 20, 2006 | 12:00am
BEFORE EVERYTHING, I would like to extend our condolences to the family of Gregorio S. Po for his demise. His body was cremated yesterday and interment will be on Thursday, December 21, 2006 at Sanctuarium, Araneta Ave. cor. Quezon Ave. Sammy Po is one of the avid supporters ng mga taong dumudulog sa aming programang "HUSTISYA PARA SA LAHAT". Kaya kami sa "HUSTISYA PARA SA LAHAT", sa pangunguna ni Secretary Raul Gonzalez, ang inyong lingkod at sa lahat ng bumubuo ng aming programa ay nakikiramay sa mga naiwang mahal sa buhay. Let us all pray for the eternal repose of his soul. Peace be with you Sammy.
Para naman sa tampok na artikulo sa araw na ito narito ang istorya.
Isang taon ding naghintay ang pamilya ng biktima na makuha ang resolution ng kasong isinampa laban sa mga suspek. Sa loob lamang ng isang linggo matapos lumapit sa aming tanggapan ang pamilya ni Rolando Garcia alyas Bebong ay mabilis na lumabas ang resolution na labis na ipinagpapasalamat ng mga ito.
Kamakailan lamang ay nailathala ko sa aking column dito sa CALVENTO FILES at naisahimpapawid din sa aming programa sa radyo, ang "HUSTISYA PARA SA LAHAT" ang kasong inilapit sa amin ni Ma. Teresa Concepcion.
Ika-13 ng Nobyembre 2005, sa paradahan ng jeep sa Villa Gutierrez St., Caloocan City naganap ang insidente. Unang nakasagutan ng biktima ang suspek na si Manuel Diño nang marinig nitong inuutusan si Cristy.
Samantala naawat naman ang dalawa pero ang sumunod na nakasagutan nito ay ang kapatid naman ni Manuel, si Carlos alyas Caloy. Pinaayos lamang daw ni Bebong ang jeep na ipinarada nito dahil magiging dahilan ito ng pagsikip ng daloy ng trapiko bagay naman na hindi nagustuhan ni Caloy. Nauwi sa pagsusuntukan. Hindi makapayag si Caloy na dehado siya kaya binalikan nito si Bebong.
Lingid sa kaalaman ni Bebong na tinawag ni Caloy ang kanyang kapatid, si Manuel. Isang saksi ang nakakita sa pangyayari, si Emelinda Concepcion na sakal-sakal ni Caloy ang biktima hanggang sa dumating naman itong si Manuel.
Armado ng isang patalim ang suspek na si Manuel. Paglapit nito sa biktima ay bigla na lamang itong pinagsasaksak sa dibdib habang sakal-sakal ito ni Caloy. Kahit na anong pagmamakaawa ni Bebong ay hindi pa rin ito tinigilan hanggang sa bumagsak na ito.
Matapos ang ginawang krimen ay mabilis namang tumakas ang magkapatid na suspek at sumakay sa pinapasada nilang jeep habang humihingi naman ng saklolo ang testigo sa pangyayaring ito. Isinugod naman sa ospital ang biktima subalit binawian na rin ito ng buhay.
May mga rumespondeng pulis upang imbestigahan ang nangyaring insidente subalit hindi na natunton ng mga ito ang mga suspek.
Kasong murder ang isinampa laban sa magkapatid na Manuel at Caloy. Hindi ito dumalo sa preliminary investigation at tuluyan ng nagtago. Lumipas ang maraming buwan sa paghihintay ng resolution ang pamilya ng biktima. Ito ang dahilan ng paglapit nila sa aming tanggapan.
Nakipag-ugnayan ang programang "HUSTISYA PARA SA LAHAT" sa pangunguna ni DOJ Secretary Raul Gonzalez at ng inyong lingkod sa City Prosecutor ng Caloocan Prosecutors Office upang ipaabot ang hinaing ng pamilya ng biktima hinggil sa mabagal na pag-usad ng kasong ito. Nangako naman si City Prosecutor Ramon Rodrigo na agad niyang aaksyunan ang kasong ito. Kasong murder ang isinampa laban sa magkapatid na suspek.
Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kayay sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor Citystate Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
Sa Punto ito nais kong pasalamatan si Ms Lanie Oxales, manager ng Chevron Service Philippines, Incorporated, CALTEX na matatagpuan sa Km 22 SLEX, San Antonio, San Pedro, Laguna.
Agaran niya ang kanyang naging aksyon sa isang problemang idinulog sa kanyang tanggapan. Ang Caltex service station na ito ang pinakamalinis, maayos at maganda ang serbisyo. Ito ay dahil na rin sa pamamahala ni Ms Lanie. Sa Chief Security ng CALTEX na ito na si Mr. Sergie Laroco. These people show what service to others is all about. Mabuhay kayo dyan.
E-mail address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended