Hindi pa tapos ang laban
December 14, 2006 | 12:00am
LANTARAN ang mga panlolokong ginagawa sa atin ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria. Noong umpisa ay medyo pino pa sila. Hinay-hinay lang, ika nga. Pero nitong nakaraang ilang buwan ay palakas nang palakas ang loob nila at garapalan na rin sa kanilang mga kilos at gawa.
Una, pinlano nila kasama ng ilang mga bayarang mga opisyal ng military at police ang ilegal na pag-okupa sa Malacañang. Pinatalsik nila ang isang Presidenteng binoto ng pinakamalaking mayorya sa kasaysayan ng Pilipinas dahil lamang sa salita ng isang gobernador na kilalang sugarol at warlord.
Pangalawa, mula sa dapat sana ay acting President ay naging President sa pakikipagkutsaba ng ilang mahistrado ng Korte Suprema na nagkasundo rin na nag-resign daw ang dating President samantalang alam ng lahat na walang resignation letter hanggang sa araw na ito maliban sa diary ni Sen. Edgardo Angara na kilala na ngayon bilang kandidato ni Madam Senyora Donya Gloria sa opposition.
Siyanga pala, lahat iyang mga military at police official na nakipagsabwatan ay kasalukuyang namamasasa sa puwesto at gayundin din si retired Supreme Court Chief Justice Hilario Davide.
Pangatlo, kabi-kabilang kontrata ang pinasok nila na nagbabaon lalo sa sambayanan sa kahirapan gaya ng IMPSA contract kung saan tumataginting na $14million ang pinamigay sa mga taga-palasyo. Natukoy ang ilang milyong dolyares nito sa Coots Bank sa Hong Kong. Sa Hong Kong din natuklasan ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang ilang bank account ni Jose Pidal na alam naman ng lahat ay si Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo bagamat pilit inaako ni Sir Congressman Senyor Don Ignacio Arroyo na tinukoy ni Sandra Cam na siyang pinagbigyan niya ng envelope na naglalaman ng pera galing sa jueteng.
Pang-apat, muling pandaraya sa sambayanan nang gawin nila ang operation "Hello Garci" kung saan deretsong nakikipag-usap si Madam Senyora Donya Gloria at si dating Comelec Commissioner Virgilio "Garci" Garcillano sa isat isa at nagpaplano kung paano lalamang ng mahigit isang milyon noong halalan ng 2004 kung saan malinaw na ang tunay na nanalo ay si yumaong Fernando Poe Jr.
Panglima, ibat ibang mga nakawan gaya ng Diosdado Macapagal Highway, fertilizer scam, bridge to nowhere, lantarang smuggling at iba pang mga uri ng corruption at nakawan na sa lahat ng sangay ng gobyerno na naglagay sa bansa bilang isa sa pinaka-corrupt na buong mundo at pangalawa sa Asia. Isang bagay na hindi kinararangal at dahilan na para sa mga lider ng ibang bansa na mag-resign pero hindi ginagawa rito sa atin dahil sa kawalan ng delikadeza at total na pagkakalimot sa honor and integrity at kahit konting decency.
Kung kahit na kalahati lamang ng ninanakaw nila ay ibalik nila ay magkakaroon ng instant na pag-angat ng buhay ang marami nating kababayan na nabubuhay sa subhuman conditions sa ibat ibang panig ng Pilipinas.
Pang-anim, walang habas na pagpatay sa miyembro ng media at iba pang grupong hindi natinag sa pakikipaglaban. Halos walang araw na lumalampas na walang napapaslang na maka-kaliwang grupo samantalang tumataas din ang bilang ng mediamen na bumubulagta. Hindi pa kasali rito ang mga harassment cases na sinasampa ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo sa miyembro ng media at mga death threats na pinadadala ng mga obvious na alagad na Malacañang sa mga mamamahayag na hindi nila mabili.
Gaya ng isyu ng corruption, binigyan tayo ng malaking kahihiyan ng pagka-inutil ng administrasyon na pigilan ang mga political killings dahil ultimo mga lider ng ibat ibang bansa, mga organisasyon ng mamamahayag sa buong mundo, mga international human rights groups ay binansagan na tayo bilang pinaka-dangerous country for journalists pangalawa sa Iraq at isa sa top human rights violators dahil sa nakaaalarmang bilang ng napapaslang na leftist groups. Muli, kung mangyari ito sa United States, Japan at iba pang mga mauunlad na bansang demokratikong ay nagbitiw na ang mga lider dahil sa kahihiyaang binigay sa atin.
Pangpito, itong pagpipilit nilang pagbabago sa constitution ng bansa hindi upang iahon ang sambayanan sa kahirapan kung hindi manatili sila sa puwesto at alisin ang karapatan ng sambayanan na mamili ng kanilang lider.
Sa paraan man ng PI nila kung saan pati patay ay muli nilang napapirma hanggang sa con-ass na tinangkang puwersahan nila Jose de Bola, Luis Villafuerte, Douglas Cagas, Edcel Lagman, Butch Pichay, Boy Nograles at mga kapwa nila matatakaw sa pork barrel na mga kongresista ay angkop ang sinabi ni Sen. Lacson na panggagahasa ito ng ating Saligang Batas.
Bagamat umatras sila dahil sa nakitang nilang matinding galit ng sambayanan na handa nang mag-aklas at idepensa ang karapatan, nagtangka pa rin sila at karapat-dapat silang maparusahan.
Sa mga nabanggit ko, lahat iyan ay inumpisahan nila ng paunti unti, may pagkapino hanggang sa pagarapal ng pagarapal sa pag-aakala nilang ang ugaling Pinoy na pasensyoso at matiisin ang iiral. Buong akala nila, pagod na ang Pinoy sa pakikipaglaban pero diyan sila nagkamali.
Sinagad nila ang sambayanan at mga lider ng ibat ibang grupo mula sa mga political opposition, cause oriented groups, media personalities at ultimo mga religious leaders ng bansa.
Pumalag ang lahat, nagalit at nagsalita ang El Shaddai, ang Catholic Bishops Conference of the Philippines, ang Iglesia ni Cristo, Jesus is Lord Movement at iba pang mga malalaking grupo. Nagkaisa at handang magmartsa sa kalye ang lahat samantalang muling lumutang ang mga kabataang sundalong opisyal na hindi na magwi-withdraw lamang ng support kung hindi lalabanan ang mga magtatangkang galawin ang anumang peaceful na rally kontra sa Cha-cha.
Taranta ang Malacañang at Kongreso. Atras at muntik pang madapa kaya nga hindi tinuloy ang Asean Summit sa Cebu dahil may bagyo raw na umalis na bago pa man dumating ang takdang araw.
Turuan ngayon at pinalalamig ang sitwasyon pero tiyak ko, muling kikilos ang mga taong iyan upang mag-enjoy sa kanilang mga mansion sa ibat ibang panig ng mundo at pag medyo malingat tayo titira muli.
Huwag muna tayong pakasisiguro, huwag muna tayong magdiwang, hindi pa tapos ang laban. Ika nga ni Manong Gary na madalas kong kausap diyan sa Binondo, huwag tayong kukurap dahil ang ahas, traydor at tutuklaw na lamang kapag nalingat tayo.
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest