Paalala sa POEA
December 12, 2006 | 12:00am
NAIS kong ipaalala sa mga tauhan at opisyal ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), na pairalin ang propesyunalismo sa kanilang tungkulin na magbigay ng tiyak na hanapbuhay sa ating mga kababayan.
Nabanggit ko ito matapos matanggap ang liham ni G. Josefino Ronquillo na ngayon ay patuloy na umaasang mabibigyan ng hanapbuhay sa South Korea matapos makapasa sa language test na ibinigay ng POEA noong Hunyo; naipadala na rin daw ang kanyang resume sa naturang bansa noon pang Setyembre at dati na rin siyang nag-empleyo roon.
Sa palagay ko, napapanahon ang paalalang ito at huwag naman sanang masamain ng mga taga-POEA, sa pangunguna ni administrator Baldoz.
Mayroon kasing pagtingin ang ating mga kababayan na kahit ang POEA ay pinasok na rin ng katiwalian kung saan kasama na rito ang pagsingit ng ibang pangalan sa listahan ng mga qualified overseas worker o kaya naman ay pagbura sa pangalan ng mga naunang qualified applicants upang palitan ng iba.
Harinawa naman na ginagawan ng paraan ng POEA na mapanatili ang kredibilidad ng ahensiya sa pamamagitan ng professional and dedicated public service.
Salamat kay Babbylou Dunn na nagpadala sa akin ng liham ng pagbati. Salamat din sa lahat ng ating mga kababayan na hindi nagsasawa sa kanilang pagsuporta sa aking kolum sa Pilipino Star NGAYON at sa aking mga advocacy bilang isang kasapi ng Senado. Pagpalain kayo ng Diyos pati na ang mga mahal ninyo sa buhay.
Kay Babbylou, sanay makapasa sa re-take ng nursing board exam ang iyong pamangkin.
Ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o lumiham sa aking tanggapan sa Room 209, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.
Nabanggit ko ito matapos matanggap ang liham ni G. Josefino Ronquillo na ngayon ay patuloy na umaasang mabibigyan ng hanapbuhay sa South Korea matapos makapasa sa language test na ibinigay ng POEA noong Hunyo; naipadala na rin daw ang kanyang resume sa naturang bansa noon pang Setyembre at dati na rin siyang nag-empleyo roon.
Sa palagay ko, napapanahon ang paalalang ito at huwag naman sanang masamain ng mga taga-POEA, sa pangunguna ni administrator Baldoz.
Mayroon kasing pagtingin ang ating mga kababayan na kahit ang POEA ay pinasok na rin ng katiwalian kung saan kasama na rito ang pagsingit ng ibang pangalan sa listahan ng mga qualified overseas worker o kaya naman ay pagbura sa pangalan ng mga naunang qualified applicants upang palitan ng iba.
Harinawa naman na ginagawan ng paraan ng POEA na mapanatili ang kredibilidad ng ahensiya sa pamamagitan ng professional and dedicated public service.
Kay Babbylou, sanay makapasa sa re-take ng nursing board exam ang iyong pamangkin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest