Mag-asawa, niloko ng dating empleyado ng developer
December 6, 2006 | 12:00am
ISANG reklamo ang inilapit sa BITAG ng isang mag-asawang Richard at Michelle Cosme hinggil sa kani- lang problema sa bahay at lupang hinuhulugan sa isang developer sa Laguna. Reklamo nila sa BITAG ang umanoy ginagawang paniningil ng isang dating empleyado ng P.A. Alvarez Developer.
Patuloy daw ang pakikipagtransaksyon at paniningil sa kanila ng dating empleyadong si Annie Lebrilla na napag-alaman nilang hindi na ito lehitimong empleyado ng nasabing developer. Nagulat din sila dahil pinadalhan sila ng notice ng developer na maaaring kuhanin sa kanila ang hinuhulugang bahay at lupa gayung kumpleto naman sila sa kailangang equity.
Lumapit agad sila sa BITAG. Sa pag-iimbestiga ng BITAG lumalabas na wala pa silang personal na pakikipag-usap sa sinasabing developer.
Madaling sabihing niloloko sila ng sinasabi nilang dating empleyado pero dapat ang una nilang ginagawa ay agad silang nakipag-ugnayan sa developer para pag-usapan kung anuman ang nangyari sa kanilang kontrata.
Gayung nagbayad ng kaukulang halaga, huwag ibigay ang lahat ng responsibilidad sa mga empleyado ng mga developer katulad ng Pag-IBIG mas magandang kayo mismo ang mag-ayos nito sa tulong nila. Para kung magkaroon ng kahit anong problema ay alam nyo kung ano ang dapat gawin.
Dahil dito pinayuhan ng BITAG ang mga nagrereklamo na makipag-ugnayan muna sa developer para sa mas madaling ikakaresolba ng kanilang reklamo.
Matapos ang ginawang makipag-usap ng mga nagrereklamo ay napag-alaman ng BITAG na handa namang makipagtulungan ang nasabing developer.
Ayon mismo sa nagrereklamo, aminado ang naturang kompanya na niloloko sila ng naturang dating empleyado dahil marami na raw itong naloko.
Binabalak ng mag-asawang Cosme at ng developer na magsama ng kaso laban sa dating empleyadong si Annie Lebrilla.
Maging halimbawa sana sa publiko ang reklamong ito para mas lubos na malinawan sa prosesong dapat sundin sa pagbabayad ng hinuhulugang bahay at lupa.
Karapatan ng bawat isa na alamin ang tamang proseso at nang hindi maloko ng mga dorobo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am