Kampanya laban sa AIDS
December 3, 2006 | 12:00am
Ang taong may AIDS ay karaniwang kakikitaan ng depression. Ang mga sintomas ay kinabibilangan ng pagbaba ng timbang, nagsusuka, nagtatae at madaling magkaroon ng infection. Madali siyang mahawa ng kahit karaniwang sipon at ubo lamang. Mahina ang katawan kaya madaling magkaroon ng infection.
Sinasabi ng mga specialist na maraming approach para ma-manage ang mga sintomas at ang mga ito ay ang nutritional support at behavioral therapy kabilang ang prescriptive medication.
Kapag nagkaroon ng Human Immune Deficiency Virus (HIV) (ito ang virus na nagiging daan sa pagkakaroon ng AIDS) unang pinakamahirap na mararanasan ay ang walang kakayahang mag-digest at i-absorb ang pagkain. Ito ang dahilan kaya namamayat, nagkakaroon ng depression, nasisira ang organ ng katawan at pati mga muscle. Nahihirapan ding tanggapin ang mga ibinibigay na gamot sa katawan.
Kailangan ang mahusay na nutrition kapag may AIDS. Sa pamamagitan nito maaaring labanan ang sakit. Magsimula sa tamang attitude tungkol sa mga pagkain. Begin eating with a healthy approach and plan ahead for convinience. You may even cook meals ahead and then freeze them. Get the most out of your meals and carefully select food and supplements for vitamins and mineral content.
Maaaring subukan ang liquid nutritional supplements. Kapag kakain ng mga prutas at gulay hugasang mabuti. Ganoon din naman kapag magluluto ng karne o isda. Huwag magluluto ng mga pagkaing sobra ang amoy. Kung merong sugat sa labi, iwasan ang mga acidic, spicy at crunchy na pagkain. Uminom nang maraming tubig. Iwasan ang mga fiber food.
(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended