Magre-resign for health reason!!!
November 28, 2006 | 12:00am
HEADLINE ho kahapon sa Philippine STAR ang sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita tungkol sa kalusugan ni Madam Senyora Donya Gloria.
"GMA AS HEALTHY AS THE ECONOMY," pahayag ni Ermita bagamat inamin niya na nais ng mga doctor na magbawas siya ng timbang.
Okay na sana ang pahayag ni Dra. Juliet GopezVentura ng St. Lukes Medical Center na walang problema ang kalusugan ni Madam Senyora Donya Gloria pero nang pumasok si Ermita na hindi naman doctor ay medyo nagulantang ako lalo nat kinumpara pa niya sa ekonomiya ng bansa.
Baka naman nadulas si Ermita dahil kung ekonomiya ng bansa, masama nga at medyo naghihingalo bagamat maganda para sa bulsa ng mga kakampi, kaalyado, kapartido, kasosyo, kakutsaba, kapuso, kapamilya, linta, sipsip, tuta ng Malacañang.
Hindi na dapat magsalita si Ermita tungkol dito at baka sa pagkakataong ito siya naman ang sasabihan ni Presidential Chief of Staff Mike Defensor ng "shut up."
Ang ginawa ni Ermita ay nagpabago sa isipan ng marami lalo na kung iisipin na bigla na naman ang pagpasok niya sa ospital ng pagkakataong ito. Ayon sa Malacañang regular at annual check up ito, kung gayon dapat ilang araw pa bago ma-schedule ito ay may announcement na. Sa pagkakataong ito, biglaan na naman.
Lalo tuloy nagkaroon ng speculation tungkol sa kalusugan ni Madam Senyora Donya Gloria at bigla ko tuloy naalala ang sinabi sa akin minsan ng isang matandang nakilala ko riyan sa Tambunting, Manila.
May edad na ho si Ingkong at bagamat mahigit 90 na ay matalas pa ang pag-iisip at lagi kong dinadayo upang makakuwentuhan dahil sa lalim ng kanyang kaalaman dala na rin ng kanyang edad at ang sinabi ho niya:
"Bababa at bababa siya at wala siyang pagpipilian dahil hindi kakayanin ng kanyang kalusugan ang manatili sa Malacañang dahil sa bigat ng trabaho at tindi ng suliranin."
Hindi tama maghangad ng masama sa kapwa kahit kay Madam Senyora Donya Gloria pero iyan ho ang sinabi ng paborito kong Ingkong na never pang nagkamali.
Kay Madam Senyora Donya Gloria, kung talagang may sakit ka ho (hindi ko ho sinasabing meron dahil sabi nga ni Ermita parang ekonomiya ka ng bansa) health ho muna ang ayusin. Tandaan mo lang ho HEALTH IS WEALTH.
Pumanaw ho noong nakaraang linggo si Max Soliven o Manong Max sa aming lahat sa Philippine STAR, Pilipino Star NGAYON, PM PangMasa at iba pang mga pahayagan ng STAR publications.
Medyo hindi pa ho naniwala dahil bago siya tumulak papuntang Japan ay nakita ko pa siya diyan sa Ortigas center sa Mandaluyong kung saan nakausap ko siya kahit sandali.
Lubos na nakalulungkot ang pagpanaw ni Manong Max na matagal ko hong nakasama noon sa Philippine STAR nang ako pa ho ay airport/aviation reporter ng naturang pahayagan.
Ako ho ang madalas sumusundo at naghahatid sa kanya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kanyang napakaraming biyahe noong mga panahong iyon at nakapagbigay sa akin nang maraming aral hindi lang ho sa larangan ng pagsusulat kung hindi pati personal na bagay.
Bagamat marami lalo na ang mga taga gobyerno ang ilag kay Manong Max dahil sa kanyang walang takot na pagsusulat (unsolicited advise) meron hong fatherly side si Manong Max na isa ho ako sa nakinabang.
Siyanga pala, minsan nakasabay ko si Manong Max sa Hong Kong, sa handover ng naturang lugar pabalik sa China at medyo nakapag-usap ho kami nang matagal. Nag-attend kami ng isang lunch hosted by Dr. Lucio Tan at nang matapos ang lunch ay sabay kaming bumalik sa hotel kung saan kami pansamantalang nakatira.
Hinatid ko si Manong Max sa kanyang kuwarto kasama ang ilang gamit na pinamili niya at nang magpapaalam na ako ay binigyan niya ako ng baon. Akala ko ba sabi nila Ilokano siya at kuripot. Hindi naman pala.
Tuwang-tuwa ako dahil galing kay Manong Max iyon at sa panahong iyon, halos ubos na ang kakarampot na baon ko para sa naturang coverage at nalaman iyon ni Manong Max na hindi naman ako pinabayaan. Manong Max, thank you very much!!!
Ang mga suliranin ko hong personal ay naikuwento ko rin kay Manong Max at ang payo niya ang nagsilbing solusyon sa ibang iyon.
Minsan naman po ay naisipan kong mag-migrate dahil na rin sa kawalan ng pag-asa rito sa atin pero payo ho ni Manong Max ang sinunod ko at nanatili ako sa ating bansa at nananalig na darating ang araw na muling tatayo at titingalain ang Pilipinas.
Ganyan ho si Manong Max, makabayan, tagapagtanggol ng Press Freedom, mapagmahal sa kanyang mga tauhan, nagsilbing gabay ng mga batang mamamahayag at higit sa lahat Manong ho naming lahat.
Sa iyo Manong Max, mananatili ka sa aking puso at isipan. Ang payo mo ay lagi kong susundin at itutuloy ang pakikipaglaban para sa katotohanan at malayang pamamahayag. MARAMING MARAMING SALAMAT MANONG MAX!!!
Nakikiramay kami sa pamilya ni Natividad O. Fernandez ng Bgy. 387, Zone 39 ng Aguila St., Concepcion, Manila.
Condolence kay Bgy. Kagawad Josie at iba pang mga anak at apo na naiwan ni Lola Natividad na hindi lamang nanay at lola ng inyong pamilya kung hindi ng mga kapitbahay at kaibigan ninyo gaya ni Konsehal Rogie dela Paz.
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am