^

PSN Opinyon

Reklamo vs computer shop sa Solar Homes; holdapan sa Road 10 at Moriones, Tondo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
REKLAMO ng mga residente ng Solar Homes ukol sa mga menor de edad na pinapayagang maglaro sa mga computer shop ang aking tatalakayin upang ito’y maiparating sa mga kinauukulan nang magising sila sa mahimbing na pagtulog.

Ayon kasi sa mga magulang na sumulat sa akin, labis na ang poot sa kanilang dibdib sa tuwing makikita ang kanilang mga anak na lulugu-lugo at nangangalumata sa halos araw-araw na mahabang oras na paglalaro sa computer.

Naniniwala sila na nasa modernong teknolohiya na ang ating panahon at malaki naman ang naitutulong sa mga kabataan ng computers subalit kung nasa murang edad pa ay tila hindi ito nararapat.

Natututo na rin umanong mangupit ang kanilang mga anak upang may maibayad sa computer shop at kadalasan ay umaabsent pa sa pag-aaral ang mga ito. Dahil dito, nasisira na rin ang kanilang pag-aaral dahil bumababa na ang kanilang mga grado. Labis din ang kanilang pag-aalala sa gabi dahil karamihan sa mga bata ay ginagabi na kung umuwi sa kanilang mga tahanan.

Ang tinutukoy nilang computer shop ay matatag- puan sa Block 18, Lot 38, Phase 2, Solar Homes Subdivision, Bgy. San Agustin 1, Dasmariñas, Cavite na pag-aari umano ng isang nagngangalang Tess.

Sa puntong ito, nais kong tawagan ng pansin si Barangay Chairman Yeseng Encabo na agarang umaksyon sa reklamo ng mga residente. Aba’y huwag na ninyong hayaang magumon ang mga kabataan sa paglalaro sa computer.

Gumawa kayo ng ordinansa na nagbabawal sa mga menor de edad sa paglalaro sa computer. He-he-he! Alam ko na tanging mga barangay lamang ang may karapatang magbigay ng permiso sa pag-ooperate ng mga computer shop. Kaya’t kayo rin ang may karapatan na pagbawalan sila. Gets mo Chairman Encabo?

At para naman sa kaalaman mo Solar Homeowners Association President Dorry Montilla, may karapatan din kayong gumawa ng hakbang upang masawata ang mga ganid na computer shop owners na sumisira sa magan- dang kinabukasan ng mga kabataan.

Ayon pa kasi sa liham ng mga residente, nag-aantay umano sina Chairman Encabo at President Montilla na umabot sa 10 ang bilang ng mga magulang ang magrereklamo bago nila aksiyunan. He-he-he! Kawawa naman pala ang mga magulang sa inyong mga katwiran. Wala pala silang maaasahan sa inyong pamumuno. Abangan.
* * *
Reklamo ng mga biktima ng holdapan sa kahabaan ng Road 10 at Moriones, Tondo ang nais ko namang iparating sa pamunuan ni Manila Police District Ac-ting Director Sr. Supt. Danilo Abarzosa. Sir, para sa kaalaman mo, mula uma-ga hanggang gabi ang pasada ng mga halang ang bituka na mga holdaper sa naturang lugar.

At walang ginagawang aksiyon si Sr. Insp. Tuliao, ang hepe ng Don Bosco Police Community Pres-cinct. He-he-he! Habang pakuya-kuyakoy si Tuliao ay nagpipiyesta naman ang mga kawatan sa kanyang bakuran.

Dismayado na rin ang mga biktima sa panunungkulan ni Supt. Ricardo Layug, ang Commander ng Police Station 2 Tondo dahil pawang mga reklamo na lamang ang kanilang ginagawa subalit hang-gang sa kasalukuyan ay wala pa silang nakikitang ibinandera sa publiko na nahuli nilang mga kriminal. He-he-he! Mukhang abala si Sir sa ibang aktibidades diyan sa kanyang lugar. Aalamin ko iyan mga suki sa susunod at ipararating ko sa inyo.! Abangan!
* * *
Tinatawagan ko si Chief Insp. Dominador Arevalo, ang hepe ng MPD Theft and Robbery Division, na agarang magtalaga ng mga naka-plain clothes na mga pulis upang malambat ang mga ito sa madaling panahon. Marahil, si Maj. Arevalo lamang ang pag-asa ng mga biktima upang masawata ang mga ito da-hil kilala ko itong si Ador pagdating sa trabahong pulis at paglilingkod sa mamamayan ng Maynila.

ABANGAN

AYON

BARANGAY CHAIRMAN YESENG ENCABO

CHAIRMAN ENCABO

CHIEF INSP

COMPUTER

DANILO ABARZOSA

KANILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with