^

PSN Opinyon

Kamote ang owner ng dayaan sugalan sa QC

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
LAST Thursday, mga 9:20 p.m. tumawag at dalawang beses pang nagpadala ng text messages ang bebot na owner ng dayaan sugalan na nakatirik sa harapan ng V. Luna Hospital sa V. Luna Road, Quezon City, na pinapatungan ng mga bugok na barangay at mga kalabit–pengi mga rak-pa. Patay malisya pa ang bebot pretending na dehins niya alam kung bakit sila niraratrat ng Chief Kuwago. Sinungaling pa si Mrs. Bolera kasi porke nakuha raw niya ang number ko sa diyaryo. Kamote ka, eme!

Ang unang text messages at spelling na ipinadala sa Chief Kuwago ‘‘Gud p.m. Sir! Ako yung tumawag s n u isa lang sana ang pakiusap ko po kung maari ano pho b mabigat na kasalanan namin para magalit k u. Kung maari pho sana pakisagot lang para di naman km umaasa na matuloy p ang hanapbuhay namin. Willing pho km umalis na dito kung ayaw nyo! Wag pho k u magalit sa nagbgay number nyo naawa lang siya skin ks madami ako anak. Salamat at mary xmas pho? ’’ from: +639192039231. 9:42 pm 11/23/06.

Sagot ng Chief Kuwago sa tanong mo tekamots – dayaan sugalan ang negosyo mo. Crying money at dehins laughing money ang nadedenggoy mo sa sugalan. Pati pambaon at pangkain ng mga bata pinapatos pa ninyo. Paano ako magagalit sa gagong nagbigay saiyo ng number ko eh dehins ko naman kilala ang tarandadong iyan. Sabi mo sa column mo nakuha ang number ko. Sinungaling ka talaga babae!

Pangalawang text messages ng bebot 15 or 20 minutes after the first once – ‘‘Sir pakiusap kahit hanggang pasko lang kung hindi uwi na lang kami sa Isabela kung pattigilin nyo kami.’’

Sagot ng Chief Kuwago ‘‘umuwi na kayo! Tigil na kayo. Uwi na, uwi na!

Just wait and read pati ibang butas ninyo sa iba pang lugar sa QC, ibubulgar ko! Tama ba, Jupiter?

Ang mga kamoteng ito ang nagpapausbong ng sungay sa mga bata dahil sila ang teacher para matuto ang mga pobreng alindahaw na magsugal at magnakaw sa kanilang parents.

‘‘Up to now ba dehins pa rin tumitigil ang sugal diyan sa tapat ng V. Luna Hospital?’’ tanong ng kuwagong unanong talunan sa colored game.

‘‘Bukas-sara ang style ng mga kamote,’’ sagot ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.

‘‘Bakit?’’ Tanong ng kuwagong maninisid ng tahong.

‘‘Marami ang nakapatong,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Mga rakpadudels at burungoy nakasahod.’’

"Kaya pala, kamote!’’

BAKIT

BUKAS

CHIEF KUWAGO

LUNA HOSPITAL

LUNA ROAD

MRS. BOLERA

QUEZON CITY

SAGOT

SINUNGALING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with