^

PSN Opinyon

Pabahay na walang sewerage naglipana

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL nang umaangal ang mga residente ng Sunvalley Subdivision, Parañaque City. Bumubulwak ang "raw sewerage" – dumidiretso sa mga kusina at kubeta – mula sa apartments at townhouses sa Sta. Ana Drive. Natatapakan ng pedestrians, nasasagasaan ng mga kotse; nangangamoy at naghahasik ng sakit. Pero pinababayaan ng barangay. Katwiran nila, trabaho ng Maynilad Water Services Inc. o ng Metropolitan Waterworks and Sewerage Administration ang magpatupad ng batas sa sewerage. Kundi naman, sa Department of Health, o sa Public Works, o sa Environment and Natural Resources. Baka nga sa MMDA (Metro Manila Development Authority), o kay Parañaque Mayor Jun Bernabe kaya.

Kalokohan ang katuwiran ng opisyales ng Bgy. Sunvalley. At magsilbing leksiyon sana ito sa iba pang pinuno ng mga barangay kung saan may mga pabahay na walang sewerage:

Tungkulin ng opisyales ang basic health ng mga residente. Ito ang dahilan kung bakit nagtayo ng barangay health centers, at iniatas sa kanila ang basura. Kung walang sewerage ang isang bahay, malinaw na nilabag ng may-ari ang National Building Code. Nakalusot siya sa inspeksiyon ng City Building Official, kaya nakakuha ng Occupancy Permit. Pero hindi ito nangangahulugang lusot na siya sa batas. Dapat siyang i-report ng punong barangay sa City Hall, para ipagawa ang sewerage at huwag pinsalain ang kalusugan ng komunidad.

Dapat ding i-report ng opisyales ang problema sa mga namamahala sa patubig. Sa kaso ng Sunvalley, ito ang Maynilad. Kasi, kung sakaling mabasagan ng tubo ang water lines sa kalsada, makokontamina ang inumin ng dumi mula sa kusina at kubeta. Epidemya ang magaganap.

Pero tiyak hindi lang sa Sunvalley pinababayaan ng opisyales ang paglabag sa alituntunin sa sewerage. Kasi, marami sa kanila ang atubiling mangsita ng kapitbahay o kaibigan o kainuman. Nagiging palakasan sa opisyales ang pagpapatupad ng batas. At ‘yan ang dahilan kung bakit maraming nagkakasakit at namamatay pero hindi nalalaman ang sanhi.

vuukle comment

CITY BUILDING OFFICIAL

CITY HALL

DAPAT

DEPARTMENT OF HEALTH

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

KASI

MAYNILAD WATER SERVICES INC

MAYOR JUN BERNABE

PERO

SUNVALLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with