^

PSN Opinyon

Niluluto sa tubig pero hindi nilaga

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
KAKAIBA ang nangyayari ngayon sa bidding process ng Maynilad Water Services, Inc. at pinupuna ito ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan (Kaakbay) dahil grabeng magic na naman ang gustong gawin at ultimo tubig ay gustong i-convert sa ginto.

Natuklasan ng Kaakbay na may planong baguhin ng ilang tiwaling opisyal ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) ang bidding rules upang mapaboran ang isang kompanyang kilala sa larangan ng mahika.

Kung dati-rati kailangang patunayan ng lahat ng bidders ang kanilang financial capabilities o kakayahang pondohan ang naturang proyekto sa pamamagitan ng patunay na meron silang salapi gaya ng mga bank accounts, ngayon ang nais nila ay payagang magsumite ng Stand By Letter of Credit na lamang o credit line mula sa banko na maaaring pigilan o putulin ng banko kahit anong oras.

Lubos na nagtataka ang Kaakbay sa huling proposal na ito na pinagtatakahan din ng ilang board member ng MWSS na tumututol rito. Balita ko kumikilos na naman si Mr. Q na natalakay ko sa isang nakaraan kong column.

Ito kasing si Mr. Q na kilalang magician ay kayang paramihin bigla ang laman ng bulsa ng sinumang opisyal na pumapabor sa kanila. Expert din siya sa pagpapalago ng bank account ng kanyang mga kaibigan —- kakutsaba na nawawalang parang bula sa kaban ng bayan na kanyang paboritong niloloko.

Nakailang deal na itong si Mr. Q sa gobyerno at lubos akong nagtataka bakit pinapayagan pa rin siyang sumali kahit na puro kapalpakan ang mga proyektong pinapasok.

Dito sa attempt niyang i-take over ang Maynilad Water Services, Inc. ay gumamit siya ng isang kompanyang Strategic Holdings Inc. o SAHI na kapartner ang isang Indian company na nakilala bilang Karunakaran Ramchan.

Pero alam n’yo bang itong Indian company na ito ay hindi pala isang kompanya kung hindi isang tao. Oo, mga kaibigan, si Karunakaran Ramchan ay isang tao na tauhan lamang ng isang kompanya sa India. Ni hindi nga raw ho mataas na opisyal ng Indian company si Ramchan.

Ang SAHI naman ay pinalalabas nilang malaki pa sa Benpress na pag-aari ng mga Lopezes na umatras na nga sa Maynilad dahil sa bigat ng expansion needs ng naturang kompanya.

Tanging pinagmamalaki ng SAHI ay pag-aari rin ito ni Mr. Q. na siya ring may-ari ng Stradcom na responsible sa palpak na computerization program ng Land Transportation Office. Ibig ba nilang sabihin mas malaki pa sila at mas may kakayahan sa mga Lopez. Masyado yatang ambisyoso itong si Mr. Q o baka naman gagawin niyang ginto ang dadaloy sa ating mga gripo kesa tubig.

Dinemanda rin si Mr. Q. ng Star Infrastructure Development Corporation dahil sa umano’y panggagantso ng P100 million sa Skyway project. Bagama’t hindi pa tapos ang demanda, nakakatakot naman na ipaubaya muli sa kanya o grupo niya ang ganoon kalaking proyekto lalo na kalahati ng Metro Manila ang sinusuplayan ng tubig ng Maynilad.

Kailangan nating tutukan ng husto ang bagay na ito at sana hindi ma-hypnotize ang mga opisyal ng gobyerno na mapa-oo ni Mr. Q dahil tubig ang pinag-uusapan dito at sa pagkakataong ito ay hindi lang tayo igigisa sa sariling mantika kung hindi ilalaga sa sariling pawis.
* * *
Noong umpisa ay mga cause oriented groups at miyembro ng media ang nag-ingay laban sa walang habas na pagpatay ng mga aktibista, mamamahayag, lider ng simbahan at iba pang mga malakas ang loob lumaban sa katiwalian ng Malacañang.

Sumunod diyan ay ang mga international media groups at human rights groups na napuna at naalarma sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga pinapaslang.

Nagsalita naman ang Malacañang pati si Madam Senyora Donya Gloria at ang hepe ng kanyang pulis na si Gen. Oscar Calderon na iimbestigahan nila ito at kailangang mahuli ang mga salarin.

Pero nanatiling press release ito at lumobo lang lalo ang bilang ng mga pinapatay na mga sinasabing kritiko ng gobyerno.

Pagdating naman ni Madam Senyora Donya Gloria sa Europe ay lantaran siyang sinabihan ng mga lider doon na dapat matigil ang mga patayang ito. Dali-dali siyang nangakong aayusin at matitigil ito pero gaya ng dati, napakong pangako uli.

Kamakailan, Amnesty International naman ay nagdiin kay Madam Senyora Donya Gloria at as usual nagtatag pa sila ng kunsumisyon, oops, mali, commission pala para imbestigahan ito.

Gaya ng dati, wala rin. Pangakong nilista sa tubig.

Ilang araw lamang ang nakaraan, pati mga business chamber of commerce ng iba’t ibang bansa ay nagpahayag na rin na dapat matigil ang walang habas na patayang ito. Sinasabi nila na nakaaalarma ito pati sa mga investors na lubos ng natatakot sa violenteng mga pangyayaring ito.

Sagot muli ang Malacañang at iniimbita pa sila upang paliwanagan. Alam ko na muli lang itong mauuwi sa wala at pangakong sa tubig at hangin malilista.

Bagama’t inaasahan ko na panibagong pambobola ang gagawin nila, tiyak ko na worried ang Malacañang dahil lumiliit ang mundo nila. Ang mga grupong pumapalag laban sa kanila ay hindi na local group na walang puwersa. Mga international organizations na ito o di kaya’y mga negosyante ng iba’t ibang bansa na tiyak kumikilos dahil inutusan ng kani-kanilang gobyerno.

Ganyan na ganyan ang nangyari sa ilang mga lider sa ibang bansa na naging malupit sa kanilang mga mamamayan. Problema lamang ni Madam Senyora Donya Gloria at kanyang mga galamay ay paano nila pipigilan ang mga gumagawa nito na hindi na nila kontrolado at paano nila lulusutan ang taling bibigti sa kanila na hawak ng mga malalaking bansa at international groups.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o t-text sa 09272654341.

ISANG

KAAKBAY

KARUNAKARAN RAMCHAN

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MALACA

MR. Q

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with