^

PSN Opinyon

Bakit papalitan ang gobyerno natin?

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Gusto nang marami’y laging nasa p’westo

kaya nag-iisip ng kung anu-ano;

Katulad na lamang ng ating gobyerno

nais na baguhi’t gawing Parliamento!

Ang sistemang ito’y kaibang-kaiba

sa nakagisnan nating palakad sa bansa;

Presidential system dati’y tamang-tama

bakit kaya ngayo’y babaguhn pa nga?

Babaguhin ito —- sabi nang marami

pagka’t di umunlad ang bansa sa rati;

Mga mamamayan ay namumulubi

dahil sa palakad di sila kumporme!

Pero sa opinyon ng pitak na ito

ano mang sistema’y di uubra rito;

Ang dapat palitan ay ang mga tao

na ang laging hangad laging nasa p’westo!

Ang asawa’t anak pati ang magulang

sa gawang mamuno ay nakikialam;

Ang ugaling ito kung mapapalitan

uunlad ang bansa at ang mamamayan!

Sa madaling-sabi ang dapat mawala

political dynasty ng mayama’t dukha;

Kung may kandidato sa isang pamilya

s’ya na lang ang dapat at wala ng iba!

Asawa at anak ng masamang lider

sa bawa’t eleksiyon huwag nang piliin;

Ang ugaling ito kung siyang gagawin

titino ang bansa’t ang gobyerno natin!

Sa nakikita ko ang PI at Con-Ass

sa gobyerno natin magsisilbing ahas;

Ang mga senador nating mambabatas

tiyak na aalma pag sila’y nalagas!

Sa sistemang ito’y lalo pang sasama

takbo ng gobyerno na nasasalanta;

Ang check and balances tiyak mawawala

at ang maghahari’y mga taong linta!

ASAWA

BABAGUHIN

BANSA

CON-ASS

GOBYERNO

KATULAD

PARLIAMENTO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with