^

PSN Opinyon

Trahedya sa Sunny Brooke nalimutan na nina Maliksi et al?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAALALA pa kaya ni Cavite Gov. Ayong Maliksi at General Trias Mayor Luis "Jonjon" Ferrer ang kalunus-lunos na trahedya sa Sunny Brooke I Subdivision sa Bgy. San Francisco nang manalasa ang super bagyong Milenyo?

Buweno, para muling maibalik sa tulirong kaisipan ninyo mga Sir, noong nakalipas na Setyembre 28, 2006 ay inanod ang may 17 row house unit ng low cost housing ng Fil-Invest Land Inc matapos nang sumabog ang Butas Dam ng National Irrigation Administration (NIA)na ikinasawi ng humigit kumulang sa 30 katao.

At sa kasalukuyan ay hindi pa lahat nakikita ang ilan sa mga biktima matapos na anurin habang ito’y nanunungkit ng mga kagamitang inaanod ng tubig baha sa gilid ng Butas Dam noong kasagsagan ng bagyo. Pawang nagbabakasali lamang sana ang mga ito na kumita ng pera upang may maidagdag sa pangangailangan ng kanilang mga kumakalam na sikmura. He-he-he! Get nyo mga sir!

Habang lumilipas ang panahon tila isang bangungot na lamang sa kaisipan ng mga biktima ang pangyayari dahil ayon sa mga residenteng nawalan ng tahanan at ang iba pang kalapit na unit na nagkabitak-bitak ay hindi na pinag-uukulan ng panahon ng Fil-Invest Land Inc na mailipat sila sa mas ligtas na lugar.

May ilang beses na silang nagpunta sa naturang kompanya subalit tila mga pipi at bingi ang mga ito, he-he-he! Bakit nga naman kayo asikasuhin ng mga ito? Nabigyan na nga kayo ng mga murang pabahay naghahanap pa kayo ng kaligtasan. Get n’yo mga suki?

At maging ang pakiusap nila sa Pag-IBIG na huwag muna silang obligahing magbayad ng kanilang buwanang hulog ay pinagkait pa sa kanila. At sa halip sila ay sinabihang bayaran sa tamang petsa ang kanilang obligasyon upang hindi na lumaki ang interest ng kanilang utang.

Tila mailap talaga sa kanila ang tadhana, walang aksyon ang naturang kompanya upang muli silang mailagay sa mas ligtas na tahanan at maging ang kanilang mga kagamitan ay wala man lamang silang nakuhang tulong, he-he-he! Ganyan talaga siguro ang buhay, matapos na pagkalooban ka ng tahanan eh bahala ka na sa huli. Ika nga’y nasa "Diyos ang awa nasa tao ang gawa "

Sayang lang ang oras na ginugol ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kasama ang ilang sipsip na mga opisyales ng magtungo at magtalumpati na tutulungan niya ang lahat ng biktima ng sakuna. He-he-he! Kaya’t tuloy naghihinanakit ang mga taga-Sunny Brooke I sa mga local na opisyal dala marahil sa kalaban nila sa partido ang pangulo.

Kung talagang walang bahid na pulitika ang nasa isipan nina Gov. Maliksi at Mayor Ferrer bakit hindi sila kumikilos na obligahin ang Fil-Invest land Inc. na maibangon ang pamumuhay ng mga biktima. Mga Sir, gising na!

At ito pa Gov. Maliksi, sumulat sa akin si Bgy. Chairman Emiliano F. Barzaga ng Alapan II-A, imus, Cavite na ang kanilang barangay ay nanganganib na ring malusaw dahil sa patuloy na paglaki ng ilog at ang ilan sa mga kabahayan ay unti-unti nang nilalamon at sa hinaharap ay mahahalintulad na rin sa Sunny Brooke I.

Ang karaingan nila ay nag-ugat ng sila ay bahain at halos lahat ng mga residente roon ay nagkandasira ang mga kabahayaan at maging ang kanilang mga kagamitan ay tinabunan ng makapal na putik at ang ilan nama’y inanod din ng tubig-baha sanhi ng bagyong Mi- lenyo, subali’t hanggang sa kasalukuyan, walang opisyal ng pamahalaan ng Cavite ang nagtungo sa kanilang lugar upang magbigay ng tulong. He-he-he! Nasa tungki na ng ilong ni Gov. Maliksi di pa niya nakikita o naaamoy.

Aba’y panahon na Gov. Maliksi para ka kumilos. Umikot ka sa iyong kapaligiran upang malaman mo ang problema ng iyong mga mamamayan at baka sa darating na mga araw ay iyan na naman ang magiging daan upang muli kang pag-initan ng iyong mga kalaban sa pulitika.

Abangan!

AYONG MALIKSI

BGY

BUTAS DAM

CAVITE

CAVITE GOV

FIL-INVEST LAND INC

KANILANG

MALIKSI

SUNNY BROOKE I

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with