^

PSN Opinyon

Mailap ang katarungan kay Nida Blanca

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
GINUNITA kahapon ang ikalimang anibersaryo ng kamatayan ng premyadong aktres na si Nida Blanca. Nov. 7, 2001 nang matagpuan ang duguang bangkay ni Nida sa carpark ng isang gusali sa Ortigas Center. Malagim ang naging wakas ni Nida. Sensational case ito.

Maraming malalaking pangalan ang nasangkot sa kaso kabilang na ang principal suspect na si Rod Strunk, ang Amerikanong asawa ni Nida at si Philip Medel na umamin pero bandang huli ay nag-recant na siya ang puma-tay sa beteranang aktres. Sino nga ba ang pumatay kay Nida? Hanggang sa ngayon ay wala pa ring kasagutan sa tanong na ito.

Isa sa most brightest star sa loob ng limang dekada si Nida na Dorothy Jones sa tunay na buhay. Ipinanganak siya sa Gapan, Nueva Ecija noong Enero 6, 1936. Marami siyang pelikulang pinagbidahan na pawang mga box-office hits at maraming natamong awards sa husay niyang umarte.

Isang total performance si Nida Blanca. Mahusay siyang sumayaw, kumanta, magdrama at mag-comedy. Marami siyang tagahanga na kasama ng kanyang nag-iisang anak na si Kaye Torres sa dumadalangin at naghihintay ng hustisya sa kamatayan ng dakilang aktres.

AMERIKANONG

DOROTHY JONES

KAYE TORRES

MARAMI

NIDA

NIDA BLANCA

NUEVA ECIJA

ORTIGAS CENTER

PHILIP MEDEL

ROD STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with