^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Walisin ang ‘ghost employees’

-
SA bansang ito ay maraming ginagawang ille- gal. At ang mga illegal na ito ay karaniwang nangyayari sa mga tanggapan ng gobyerno. Laganap ang corruption sa maraming ahensiya ng gobyerno at sa kabila ng kampanya ng pamahalaan na wasakin ang katiwalian, patuloy pa rin ang problema na para bang kanser na hindi na mapigi-lan ang pagkalat.

Kabilang sa mga illegal na gawaing ito na umuubos sa kaban-yaman ng pamahalaan ay ang pagmi-maintain ng mga "ghost employees". Maraming "ghost employees" na sumasahod at inaagawan pa ng biyaya ang mga lehitimong empleado. Pinapasan ng mga tunay na empleado ang hirap samantalang ang "ghost employees" ay nagpapasarap.

Ang pagkakaroon ng "ghost employees" ang ikinaso kay Makati City Jejomar Binay kaya siya sinuspinde ng Department of Interior and Local Government (DILG) kamakailan. Nakakuha lamang ng temporary restraining order (TRO) si Binay kaya napigilan ang pagpapatalsik sa kanya. Balik sa kanyang opisina si Binay pero sabi ng Malacañang, hindi pa tapos ang kasong ito. Marami raw "ghost employees" sa Makati na patuloy na sumusuweldo pero hindi naman daw nag-eexist. Itinanggi ni Binay ang akusasyon at sinabing political harassment ang lahat.

Halos nagkakatulad ang "ghost employees" at "15/30" na mga empleado. Ang "15/30" ay mga taong nagtutungo lamang sa tanggapan tuwing a-kinse at a-treinta para kumulekta ng suweldo.

Ipinag-utos ng Malacañang ang pagsisiyasat sa umano’y mga ghost employees sa mga sangay ng gobyerno, state corporations at local government units (LGUs). Inatasan ni President Arroyo si Budget Sec. Rolando Andaya na rebyuhin ang table organization at plantilla positions sa mga tanggapan ng gobyerno. Mag-conduct daw ng audit sa lahat ng personnel sa mga ahensiya ng gobyerno kabilang ang government owned and controlled corporations. Inatasan ni Mrs. Arroyo ang Budget department at DILG na isubmit ang mga paraan para lubusang mawala ang "ghost employees" sa payroll. Sa loob daw ng dalawang buwan ay kailangang mawala ang "ghost employees".

Dapat lang walisin ang "ghost employees" para masugpo ang graft and corruption. Dapat ay noon pa ito ginawa. Kung mawawala sa payroll ang "ghost employees" malaki ang matitipid ng gobyerno.

BINAY

BUDGET SEC

DAPAT

EMPLOYEES

GHOST

INATASAN

MAKATI CITY JEJOMAR BINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with