^

PSN Opinyon

Halamang gamot

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MABISANG gamot sa mga may ubo at asthma ang lagundi. Nairehistro ito bilang alternative medicine sa BFAD noong 1996 at mismong ang Department of Health ang nagsulong at nag-endorso ng lagundi hindi lang sa local kundi sa international market.

Ang acapulco ay natuklasang mahusay na panlaban sa fungi infection, lalo na sa anan, buni at alipunga. Isinulong na rin ito ng DOH bilang alternative health care.

Ang kawayan ay mainam na gamot sa bulate, lalo na sa mga kabataan. Pinakukuluan ang mga usbong at ugat ng kawayan at pinaiinom sa mga may bulate sa tiyan.

Ang green tea ay nakatutulong para maiwasan ang skin cancer. Ang mga scientist sa Cape Western Reserve University sa Cleveland ay gumamit ng produktong mula sa green tea na tinatawag na polyphenals at ipinahid sa balat ng anim na Caucasians. Pinili ang mga Caucasians sapagkat mas madali silang magka-cancer sa balat kaysa mga kayumanggi at maitim ang kutis. Napatunayang nahahadlangan ng green tea ang skin cancer.

Ang kiwi fruit ay mabisa para sa mga hindi makatulog. Taglay ng kiwi ang maraming calcium at minerals kaya nagpapahimbing ng tulog. Mabisa ang kiwi sa respiratory illness at nagpapababa ng panganib na magkaroon ng blood clot.

vuukle comment

CAPE WESTERN RESERVE UNIVERSITY

DEPARTMENT OF HEALTH

ISINULONG

MABISA

NAIREHISTRO

NAPATUNAYANG

PINAKUKULUAN

PINILI

TAGLAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with