^

PSN Opinyon

Palibhasa obispo hindi maisakdal

SAPOL - Jarius Bondoc -
DINEMANDA ng Quezon City fiscal ang 11 kilalang tao, kasama si dating University of the Philippines president Francisco Nemenzo, ng pagkupkop sa mga takas na rebeldeng Magdalo. Ang 10 pang akusado: Colonels Jake Malajacan at Rafael Galvez, Capt. Dante Langkit, Michael Yangson, Betina Balderama, Renato at Maui Constantino, Christopher Belmonte, Nilo dela Cruz, at isang Sam.

Anang charge sheet, nagtulungan silang itago sina 1st Lt. Lawrence San Juan, Sonny Sarmiento, Nathaniel Rabonza at Patricio Bumidang, mga Magdalo na tumakas mula sa Army stockade, Fort Bonifacio, nu’ng Enero. Sinangkot sila mismo ni Bumidang, na state witness na ngayon.

Kasabwat din sa paghadlang ng hustisya ang apat pa: Sina Magdalo lawyer Ruel Pulido, Christina Antonio, Jaime Regalario, at Catholic Bishop Antonio Tobias. Dinetalye ni Bumidang kung paano linipat-lipat ang apat na pugante sa iba-ibang hideout. Sina San Juan at Sarmiento, aniya, ay hinatid ni Belmonte sa bahay ni Tobias sa Fairview, Quezon City.

Pero kataka-taka, hindi kinasuhan sina Pulido, Antonio, Regalario at Tobias. Mas mahimala ang huli – si Bishop Tobias – dahil hiwalay na itinugak ni San Juan na si Tobias nga ang nagtago sa kanila ni Sarmiento.

Nang mabalita ang naunang salaysay ni San Juan nu’ng Hunyo, inamin mismo rin ni Tobias ang pagkupkop. Sumunod du’n ‘yung raid sa safe house nina Bumidang sa Filinvest Homes, gilid ng Batasan, kung saan pinaplano ng Magdalo ang pagpapasabog sa Kongreso kasabay ng State of the Nation ni Gloria Arroyo. Ang safe house ay inupahan ni Tobias para sa Magdalo – miski mahal – gamit ang pera ng Diocese of Novaliches.

"Subukan niyo ‘kong kasuhan," maaalalang hamon noon ni Tobias, na tinutuya ang batas. Nanaig ang nais niya. Natakot ang fiscal na ihabla siya, miski umamin na sa publiko ng pagtaguyod sa marahas na Magdalo.

Ang masaklap lalo, kinukunsinti pa si Tobias ni Catholic Bishops Conference president Archbishop Angel Lagdameo. Hayon, patuloy nanghihingi si Tobias ng abuloy, marahil para sa bagong pasasabugin.

vuukle comment

ARCHBISHOP ANGEL LAGDAMEO

BETINA BALDERAMA

BISHOP TOBIAS

BUMIDANG

CATHOLIC BISHOP ANTONIO TOBIAS

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE

MAGDALO

QUEZON CITY

SAN JUAN

TOBIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with