^

PSN Opinyon

Huwad na kasunduan

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NOONG June 22, 1978, ang tatlong lote at Government Corporate Counsel Centre (Centre) na pagmamay-ari ng GSIS ay naging paksa ng isang lease-purchase agreement sa pagitan ng GSIS at ng gobyerno. Ayon sa kasunduan, ipagbibili ng GSIS ang nasabing lote at gusali sa gobyerno sa pamamagitan ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC). Subalit noong May 10, 1982, naging paksa ng ikalawang lease-purchase agreement ang nasabing gusali sa pagitan ng GSIS, ng gobyerno at ni Elmer, kung saan kakanselahin ang naunang kasunduan kapag ito ay naaprubahan ng Presidente.

Sa ikalawang kasunduan, nakasaad ang mga sumusunod: 1) Ipagbibili ng GSIS ang lote at gusali kay Elmer sa halagang P2milyon kung saan ang downpayment ay P200,000 kasama ang interes sa hulugan sa loob ng 15 taon; 2) Makukuha agad ni Elmer ang ground floor at maaari niya itong paupahan; 3) Na ipauubaya na ng gobyerno ang naunang kasunduan subalit dapat silang payagan ni Elmer na upahan ang ikalawa at ikalimang palapag pati na ang parking area sa halagang P100,000 kada taon hanggang sa makumpleto ng GSIS ang bago nitong gusali o anumang ari-ariang makukuha para sa OGCC; 4) Na hanggang limang taon lamang ang paupa at maaaring upahan pa ng dalawang taon, sa option ng gobyerno.

Sumunod sa kasunduan si Elmer at ang gobyerno mula 1982 hanggang 1987. Subalit sa pagtatapos ng paupa noong 1987, ipinaalam ng gobyerno kay Elmer na hindi na ito uupa pa. Tumanggi rin ito sa pakiusap ni Elmer na lisanin ang inuupahang palapag. Ayon sa OGCC, sa GSIS na raw sila direktang magbabayad ng upa mula 1987 dahil wala raw bisa ang ikalawang kasunduan dahil hindi inaprubahan ng Presidente.

Napilitan si Elmer na maghain ng kasong ejectment laban sa OGCC sa Metropolitan Trial Court (MeTC) dahil sa hindi nito pagbabayad ng buwanang renta at sa pagtanggi nitong lisanin ang gusali. Bilang depensa, iginiit ng OGCC na walang bisa ang ikalawang kasunduan dahil ito ay ginamitan ng panlilinlang at impluwensya. Sa katunayan, ipinapawalang-bisa ng OGCC sa Regional Trial Court (Branch 41) ang ikalawang kasunduan.

Sa dalawang kaso, unang nagawaran ng desisyon ang kasong ejectment ni Elmer noong December 5, 1994 kung saan pumabor ito sa kanya. Inapela ito ng OGCC at ng GSIS sa RTC (Branch 29) hanggang sa Court of Appeals (CA) subalit pareho nitong sinang-ayunan ang desisyon ng MeTC. Pagkatapos nito ay iniakyat ng GSIS at ng OGCC ang desisyon sa Supreme Court (SC).

Samantala, nauna ng dalawang linggo ang desisyon ng RTC Branch 41 na mapawalang-bisa ang ikalawang kasunduan dahil ito ay labag sa batas at nagbibigay ng ilegal na benepisyo kay Elmer. Sa pagkakataong ito ay inapela ni Elmer ang desisyong ito sa CA subalit sinang-ayunan ng CA ang naging desisyon ng RTC Branch 41. Ang desisyong ito ay kinumpirma ng SC noong January 23, 2006. Kasunod nito ang pagpabor ng SC sa apela ng GSIS at ng OGCC sa kaso ni Elmer. Tama ba ang naging desisyon ng SC?

TAMA.
Ang karapatan ng pamumusesyon ni Elmer kalakip ng kanyang pagmamay-ari sa centre at sa obligasyon ng OGCC na irespeto ito ay nakadepende sa pagkakaroon ng bisa ng ikalawang kasunduan na isyu ng kaso na inihain sa RTC Branch 41.Kapag may bisa, ang ikalawang kasunduan ay magbibigay kay Elmer ng lubos na pagmamay-ari sa centre subalit kung walang bisa, ang pagmamay-ari ni Elmer ay walang magiging batayan. At dahil napawalang-bisa ang ikalawang kasunduan, ang kasong ejectment ni Elmer ay walang kahihinatnan dahil ang kontrata na pinagmumulan nito ay walang bisa, hindi umiiral sa simula pa at hindi na maaaring ipatupad pa (Republic vs. LA’O, G.R. 141941, May 4, 2006).

AYON

BISA

COURT OF APPEALS

DAHIL

ELMER

GSIS

IKALAWANG

KASUNDUAN

OGCC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with