Ang pagbabalik ni Arthur Yap sa DA
October 19, 2006 | 12:00am
LAGOT ang mga sindikato ng bigas dahil balik Department of Agriculture (DA) si Arthur Yap malaya na naman itong makakapag-imbestiga tiyak may masasabit na todits.
Matindi kasi ang naging operasyon ng sindikato sa NFA kayang-kaya nilang mag-divert ng bigas kaya naman ang mga ma-e-erap ang naapektuhan nang malaki sa mga gagong ito.
Ang mga sindikato naman ay saksakan ng yayaman ngayon at kung anu-anong mga negosyo ang pinapasok tulad ng restaurant, fishpens, bakahan, manukan, palahian ng mga imported goats, condominium et cetera.
Nasa Pasig City at Marikina City ang base ng mga criminal samantala nasa ibat ibang lugar sa province ang kanilang mga negosyo tulad ng Laguna, Bulacan at Batangas City.
Nag-iiyakan nga ang iba sa kanila dahil nasalanta ng bagyong si Milenyo ang kanilang mga ekta-ektaryang illegal fishpens. Bhe, buti nga!
Ninakaw lang naman nila ang pitsa nila sa gobyerno kaya siyempre may karma rin ang mga kamote.
Balik sa isyu, nag-resign si Arthur noong kasagsagan ng imbestigasyon ng BIR regarding sa undervalue ng payment sa buwis ng kanilang nabiling lupain sa Pasig. For delicadeza, nagbitiw siya at hiningi ang basbas ng kanyang teacher na si Prez GMA kung tama ang kanyang decision making.
Tiyak maraming sekreto ang matutuklasan ni Arthur pagbalik niya sa DA dahil mamomonitor nito ng todo ang anomalya doon kung nag-ooperate pa ang mga ogag.
Mga farmers ba ang kakampi ni Arthur diyan sa DA? tanong ng kuwagong sepulturero.
Sino ba ang official ng gobyerno ang sinasabing may malaking pitsa na idiniposito sa Carribean? Tanong ulit ng kuwagong maninisip ng tahong.
Makalkal kaya ulit ni Arthur kung sino talaga ang utak sa pagpatay kay Marlene Esparat? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Ito kamote ang abangan natin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest