Maglinis sa bakuran para walang dengue
October 18, 2006 | 12:00am
NAGKAUSAP kami minsan ng kaibigan kong si Dr. Eric Tayag, ang director ng National Epidemiology Center ng Department of Health (DOH), at napag-usapan namin ang tungkol sa dumaraming kaso ng dengue. Ayon sa kanya, tinatayang aabot sa 20,000 ang kaso ng dengue na matatala bago matapos ang 2006.
Binigyang-diin ni Dr. Tayag na ang susi para maiwasan ang dengue ay nakasalalay sa pagkakaisa ng komunidad. Sabi niya, "The best defense for dengue is keeping a clean and healthy environment."
Dapat daw ang lahat ay maging dengue patrol na magsisiyasat sa tirahan ng mga lamok na tinatawag na Aedes Aegypti. Kadalasang nangingitlog ang mga lamok na ito sa mga maruruming tubig na naipon sa basyong bote, sirang gulong, paso at kanal na di-umaagos.
Ayon kay Dr. Tayag, mga sintomas ng dengue ang: Mataas na lagnat mula dalawa hanggang pitong araw, kawalan ng ganang kumain, pagsusuka, pananakit ng tiyan, at panlalambot at pamamantal ng balat.
Para maiwasan ang dengue, sinabi ni Dr. Tayag, na maging malinis sa kapaligiran. Palitan ang matagal na tubig sa drum, timba, at anumang imbakan ng tubig ganoon. Regular ding palitan ng malinis na tubig ang mga plorera, gumamit ng repellant tulad ng katol at magkulambo sa pagtulog.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended