^

PSN Opinyon

Napipintong giyera sa Makati City Hall

SAPOL - Jarius Bondoc -
NANGANGAMBA ang mga awtoridad. Nakatakda kasing isampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan ngayon hanggang Miyerkules (Oct. 16-18) ang kasong plunder laban kay Makati Mayor Jojo Binay. Kasabay ng pagsakdal ay ang awtomatikong suspensiyon niya ng anim na buwan. Sa batas, uupo ang Vice Mayor bilang acting Mayor, na dapat kilalanin ng lahat. Ang problema, bulung-bulongan sa Makati city hall na hindi bababa sa puwesto si Binay. Lalabanan daw niya at ng mga loyalista ang suspensiyon – dumanak man ang dugo. Magkakagiyera sa Makati.

Nu’ng nakaraang linggo pa lang, nanaig na ang tensiyon sa city hall. Ipinakalat ng mga ayudante ni Binay na gobyerno ang nagpapatay sa chief security niya nu’ng Sept. Ito’y sa kabila ng police report na ang .45-caliber pistol na pinambaril kay Lito Glean ay ‘yun ding pinampatay kay Popoy Lagman nu’ng 2001; samakatuwid ay communist hitmen ang tumira.

Dahil sa gan’ung balita, nag-red alert ang mga empleyado sa city hall nu’ng nakaraang linggo pa. Hindi na sila nag-uuniporme para kung biglang may mobilisasyon. Ang pitong elevator ay hindi na tumutungo sa 21st floor na opisina ng Mayor. Ang mga loyalistang residente sa paligid naman ay nagkabit ng pink tags sa damit at pumuwesto sa palapag ng mga konsehal. Hindi raw sila papayag na tanggalin ang Mayor nila tulad ng ginawa kay Mayor Peewee Trinidad sa karatig na Pasay City. At suportado raw sila ng mga kapwa-Oposisyon ni Binay sa Kongreso.

Sa intelligence gatherings ng pulis, magpi-people power daw ang mga loyalista sa paligid ng city hall para hindi ito mapasok ng pulis na magpapatupad ng suspension order ni Interior Sec. Ronaldo Puno. Sa likod nila, at sa 21st floor ng Office of the Mayor ay mga armadong security aides, na handa raw pumatay at mamatay, Meron ding mga loyalista sa bawat floor na haharang sa pulis sakaling mawasak ang barikada sa labas.

Sa tingin ni Binay, iginigiit lang niya ang karapatan bilang hepe ng pambansang Oposisyon. Sa tingin ng awtoridad, sisirain ni Binay lahat, pati ang reputasyon ng Makati financial district, manatili lang sa puwesto.

BINAY

INTERIOR SEC

LITO GLEAN

MAKATI

MAKATI MAYOR JOJO BINAY

MAYOR

MAYOR PEEWEE TRINIDAD

OFFICE OF THE MAYOR

OPOSISYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with