Non-forum shopping
October 12, 2006 | 12:00am
ANG mag-asawang Ric at Vera ang nakarehistrong may-ari ng 19,405 square meters lot na naging garan-tiya sa kanilang inutang na P515,000 sa Rural Bank. Niremata ng banko ang nakasanglang lote at nasubasta ito kung saan ang banko rin ang nakabili dahil ito ang may pinakamataas na alok. At nang pagsamahin na ang pagmamay-ari sa lote, naghain ng reklamo sina Ric at Vera sa Regional Trial Court (RTC) laban sa banko ng annulment of the foreclosure sale and damages. Ayon sa mag-asawa, wala silang natanggap na abiso bago sinimulan ang pag-iilit ng sangla.
Bukod dito, hindi rin daw sumunod sa tamang paglathala ang banko dahil ang Sheriffs notice ay nilathala sa hindi pangmadlang pahayagan. Wala rin daw silang abiso ng subasta at hindi nabigyan ng pagkakataong tubusin ang kanilang lote.
Sa naisumiteng sagot ng banko, itinanggi nito ang mga alegasyon ng mag-asawa dahil sa katunayan ay pasalita at pasulat nilang nabigyan ng abiso ang mga ito, subalit hindi ito pinansin; na naipaalam nila sa mag-asawa ang paghahain nila ng petisyon sa pag-iilit ng sangla; na sumunod sila sa legal na pamantayan ng paglalathala sa pahayagan at pagsusubasta ng nasabing lote; at binigyan din nila ang mag-asawa ng dalawang taon upang ma-tubos ang lote subalit hindi ito natubos. Bilang kontra demanda ng banko, iginiit nitong dahil sa walang basehang kaso na inihain ng mag-asawa, nagtamo sila ng actual damages na P100,000.00; compensatory damages na P100,000.00; moral damages na P500,000.00; at litigation expenses na P50,000.00. Ang pinsalang ito ay dapat daw bayaran ng mag-asawa. Bilang tugon ng mag-asawa, hiniling nila sa RTC na idismis nito ang nasabing kontra demanda ng banko dahil hindi ito naglakip ng certification against non-forum shopping. Tama ba ang mag-asawa?
MALI. Ayon sa batas, kailangang ilakip ang certificate against forum shopping sa mga initiatory pleading o nagsisimula pa lamang na usapin. Ang naging tugon ng banko na may kasamang kontrademanda ay hindi maituturing na bagong usapin kundi isang responsive pleading o tugon upang kontrahin ang reklamo ng mag-asawa sa inihain nitong aksiyong sibil. Sa madaling salita, ang paglakip ng certificate against forum shop-ping ay hindi nag-aaplay sa isinumiteng tugon at kontrademanda ng banko dahil ito ay mula sa naihaing aksiyong sibil ng mag-asawa. Sa katunayan, hindi ang kontrademanda ng banko ang madidismis kundi ang reklamong sibil nina Ric at Vera kapag hindi ito nalakipan ng certificate against forum shopping, (Carpio and Orendain vs. Rural Bank of Sto. Tomas, Inc., G. R. 153171).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended